Kinabukasan, kakatapos ko lang ihatid ang huling strand sa classroom nila. Pagod na pagod agad ako kahit alas otso pa lang ng umaga kasi magkaka-ibang building ang rooms ng bawat strand, depende sa specializations nila.
Naglalakad ako ngayon papunta sa faculty office dahil sinabihan ako kanina ni Sir Ramos na mag-uusap kami pagkatapos ng unang gawain ko sa araw na ito. Gusto ko na sanang umupo na lang sa classroom at maghintay ng adviser tulad ng ginagawa ng lahat sa department ko, pero hindi naman pwedeng suwayin ko si Sir Ramos.
Nang makarating ako sa office ay kumatok muna ako ng tatlong beses bago pumasok. Binati ko ang mga teacher na nandoon habang naglalakad ako papunta sa cubicle ni Sir Ramos.
“Good morning, Sir. All strands are settled na po sa classrooms nila,” pagbati ko rito.
“Good job, Ms. Corazon! Maaasahan ka talaga!” tumayo ito habang inaayos ang mga folders sa lamesa niya at iniabot ang kalahati sa akin.
“Follow me.”
Lumabas kami sa office at sa hallway na dinadaanan namin, tingin ko papunta kami kay Mrs. Prisilla, ang principal. Hindi naman ako nagtanong at tahimik na lang na sumunod kay Sir. Nang makarating kami ay binati namin ni Sir ang principal at pinaupo naman kami nito sa harapan ng office table niya kaya iyon ang ginawa namin.
“What can I help you with, Sir Ramos and Ms. Corazon?”
“Ma’am, regarding to the campaign and election of the rest of the officers in the Student Council that Ms. Corazon will lead, I would like to ask permission, Ma’am, if I can excuse her in her own class for the rest of the week, so she can observe those students that might be part of her organization.”
Gulat akong napalingon kay Sir Ramos dahil sa sinabi niya. Hindi niya ako sinabihan! Nginitian ko si Sir ng pilit at bahagyang tinapik ang tuhod niya. Nginitian rin ako nito ng pilit at tiningnan sa mata na parang sinasabing, "makisabay ka na lang”.
“Hmm, I see. Si Ms. Corazon na talaga ang president, right?”
“Yes, Ma’am. I want the first batch of Senior high school in Aurelius College to be well-led and organized, and I believe Isayah is the best for the position. Matagal na po siyang officer, at alam niya na rin po kung paano ang takbo ng system natin. I am sure she can handle this.”
“Is that alright, Ms. Corazon?” the principal asked me.
Agad naman akong ngumiti.
“Yes, Ma’am. Makaka-asa po kayo.”
Nakita ko namang napangiti si Sir Ramos dahil sa sagot ko.
“Well, then. Wala naman sa plano ang magkaroon ng lectures for our first two weeks. We still have to fix the clubs and organizations, right, Sir Ramos? You can have Isayah by your side until next week.”
“Thank you, Ma’am. We’ll go ahead.”
Nagpaalam na rin ako sa principal bago lumabas ng office niya. Dumiretso kami sa SC office pagkatapos noon.
“Nasa folders ang masterlist per strand. Aside from the masterlist, nandyan na rin ang junior high school records nila. Nakalagay na riyan kung naging officer ba sila back then. I have it covered during the interview. I have it all planned.”
Namangha naman ako kay Sir Ramos nang pagbuklat ko sa isang folder ay nakita ko nga ang information ng bawat isa roon, per strand.
“Kailan niyo po nakuha ang leadership experiences nila, Sir?”
“I personally interviewed everyone, kaya itinanong ko na rin ang tungkol diyan. Aside from that, kasama ko si Ms. Senio para naman sa sports records nila, and Mrs. Prisilla personally joined the assessments to see their academic records. We all wanted this department to develop perfectly. Hands-on kaming lahat.”

BINABASA MO ANG
When My Life Was Him
Novela JuvenilIsayah and Brennon have been best friends ever since they were kids. They were with each other as they grow up, experiencing a lot of things side by side. However, like with any other cliché duo, one fell, and the other did not. Isayah thought that...