Two weeks had passed.
Nailibing na ang labi ni Lola noong isang araw. That time, Brennon never let go of my hand. Nakahawak lang ito sa akin and I found no reasons to take my hand away from his grip.
Tahimik lang ito habang may suot na shades sa kaniyang mga mata. Hindi siya sumasagot sa mga tanong ng ibang tao, kahit ng mga bagong dating na kamag-anak nito, maliban na lang kapag ako ang nagtatanong sa kaniya.
He always told me not to worry every time I asked him if he's okay. I was dumb to ask, though. How can he be okay with his situation?
We were the first to arrive at the cemetery, as we were also the last to leave. Inabot kami ng dilim sa harap ng puntod ni Lola, and I never left his side as he silently cried. Hinayaan ko lang siya.
I didn't comfort him, I just stayed. Ayaw niya nang kinakaawan siya, because he feels weak, and I don't want that to happen when he's breaking down at that exact moment.
That night, I slept beside him and sang a lullaby for him until he fell asleep.
The next days passed by, and everything seems normal. Tahimik lang si Brennon, pero at least he's trying to be civil. Lalo na at may kasama na siya sa bahay niya.
As for me, I went back to my house. Pumupunta ako kina Brennon when he asks me to, at madalas ay doon rin ako kumakain with the new family neighbor.
Just like today.
Umalis agad ako sa bahay after receiving a text from Brennon saying, 'Hey, Iyah, come over.'
And so I did.
Nang makarating ako sa bahay ni Brennon ay sinalubong ako ni Rhett na sinisipa ang soccer ball at pinapatama ito sa dingding.
"Uy, Ate," bati niya sa akin kaya ngumiti ako rito.
Tumango lang ito sa akin at ngumiti. Nagpaalam na ako dito at pumasok sa loob ng bahay para puntahan si Brennon.
Pagpasok ko sa loob ng kwarto nito ay wala ito sa kama niya. Kinatok ko ang banyo pero wala rin siya doon. Ibig sabihin noon ay nasa veranda siya ng kwarto niya, kaya pumunta ako doon.
Pagbukas ko ng sliding door papunta sa veranda niya ay naamoy ko ang isang mabahong amoy. Pamilyar ang amoy na iyon pero dahil hindi ako sanay ay napaubo ako. Lumingon ako sa pinanggagalingan noon at hindi nagulat nang makitang naninigarilyo si Brennon.
Yes, he smokes. Pero occasionally lang naman. Natutunan niya ito noong mapabarkada siya sa mga kaklase naming maangas noong Grade 9.
Syempre, hindi ako natuwa noon. Noong una, inintindi ko siya dahil tingin ko ay kailangan niya rin ng iba pang kaibigan bukod sa akin. Pero nang matuto siyang mag-bisyo at nagsimulang bumagsak ang academic records niya, hindi ako natuwa.
Nag-away kami noon dahil dun, pero mabuti na lang at nakinig pa rin ito sa akin pagkatapos ng lahat. Nang maging Grade 10 kami ay lumayo siya sa mga ito, at piniling makipag-kaibigan na lang sa members ng basketball team kung saan siya ang Captain.
Pinigilan ko ang pag-ubo ko para makalapit sa kaniya. Nang nasa likuran niya ako ay tinapik ko siya sa balikat. Lumingon ito sa akin, at nang makita niya ako ay mabilis niyang itinapon ang sigarilyo sa ash tray niya.
"Sorry," sabi niya habang kumukuha ng mint candy sa bulsa niya at isinubo iyon.
"Andiyan ka na pala."
I chuckled.
"You talk as if you didn't expect me to come."
"I didn't."
BINABASA MO ANG
When My Life Was Him
Teen FictionIsayah and Brennon have been best friends ever since they were kids. They were with each other as they grow up, experiencing a lot of things side by side. However, like with any other cliché duo, one fell, and the other did not. Isayah thought that...