“Grabe, this is so tiring!”
Pagod na umupo si Sefi sa upuan pagpasok ng SC office. Nanalo siya bilang Secretary. Ganoon din ang ginawa ng iba. Ako naman ay pumunta sa water dispenser para uminom ng tubig. Kasunod ko si Dynsil.
“Anong sunod?” tanong nito habang kumukuha ng tubig. Siya naman ang nanalo bilang Vice President sa pagitan nila ni Niiza.
Mabilis ang naging usad ng mga nakaraang linggong ito. Noong Lunes ay nagkaroon ng campaign sa umaga at diretsong election na sa hapon. Kahapon naman ay inannounce na rin agad ang mga nanalo at si Sir Ramos naman ay walang patawad at pinatawag agad kami para sa unang meeting namin.
Ngayon naman ay buong umaga kaming naglibot para sa announcement kung anong clubs ang pwedeng salihan. Lunch break ngayon at sa SC office namin napagdesisyunang kumain nang sabay-sabay para na rin hindi na namin hanapin ang isa’t isa pagtapos ng break.
“Diretso na sa club meetings ngayong hapon. Walang klase kaya ito lang gagawin ng buong SHS department,” sagot ko sa tanong ni Dynsil na narinig din naman ng iba.
“Nakakapagod pala ‘to, Pres. Ganito rin kayo noong JHS? Diba president ka rin don last year?” usisang tanong ni Patrick Dale, galing sa ICT at nanalo bilang isa sa mga Marshall. Ang isa pa ay si Sofia na galing naman sa HE.
“Mas maraming gawain dati kasi mas maraming year level ang sakop. Dalawa lang dito, apat don,” nakangiti kong sagot dito habang niyayaya na silang lumapit sa mesa para makakain na kami.
“Nabanggit ni Sir kahapon na magkakaroon ng joint events ang seniors at juniors diba? Sinong magli-lead?” si Klaio, ang treasurer at auditor na galing sa ABM.
“Sa akin pinapa-handle ng Principal, pero siyempre, lahat ng officers ng senior at junior.”
Habang kumakain ay pinag-uusapan namin ang clubs na sasalihan ng bawat isa mamaya.
“Pwede namang sumali sa ibang clubs, diba Pres?” tanong ni Sofia.
Tumango ako.
“Pwede naman. Pwede ring hindi kapag kasali ka na sa SC, or isa kang athlete. Automatic kasali na sa Sports club lahat ng players ng school,” tumango-tango naman sila sa sinabi ko.
“How about you, Isa? Sasali ka pa sa ibang clubs?” umiling ako sa tanong ni Sefi.
“Hindi na. Kulang pa ang oras ko para sa SC.”
Ang iba sa kanila ay may sports na sasalihan at ang iba naman ay sasali sa ibang clubs tulad ng journalism at glee club. Nang matapos ang break ay lumabas na kaming lahat. Nagpaalam sila sa akin dahil magkakaiba ang pupuntahan nila. Pati si Sefi at Dynsil ay pupunta sa Sports Club dahil sasali sila sa volleyball team.
Nandoon din si Niiza na sasali rin sa volleyball, si Riggs na sa soccer team, at syempre si Brennon din na basketball captain. Lahat pala sila ay nandoon. Ako lang ang wala.
Nag-decide akong libutin na lang ang bawat club meetings. Nasa iisang building lang naman kasi ito ginanap pero iba-ibang floors. Orientation lang naman at club election kaya mas mabuting i-monitor ko na rin lang ito.
Sa limang floors ay isang club bawat floor. Sa una ay ang journalism; pangalawa ay ang glee; pangatlo ang sports; sa ikaapat na floor ang science club pati na rin ang mini-laboratory; sa huling floor naman ay ang bagong SC office ng department namin, office namin.
Ang building na ito ay nilaan talaga para sa bagong department. Buong fifth floor ay office namin kaya lahat ng kailangan namin ay nandoon.
Nang makitang maayos naman ang nangyayari sa bawat clubs ay bumalik ako sa office namin. May mga teachers naman kasi na nakatalaga sa bawat club kaya siguro ay wala naman akong kailangan gawin. Siguro ay gagawin ko na lang ang buong schedule namin sa mga susunod buwan. Pupunta na rin lang ako sa office ng Principal para mag-report.
BINABASA MO ANG
When My Life Was Him
Novela JuvenilIsayah and Brennon have been best friends ever since they were kids. They were with each other as they grow up, experiencing a lot of things side by side. However, like with any other cliché duo, one fell, and the other did not. Isayah thought that...
