Days passed by at the school after the party. Days turn to weeks, weeks turn to months.
Everyone was happy and satisfied with the program, and Sir Ramos praised me and my officers so much because of it. Dahil doon ay mas naging close kaming lahat sa office, pati na rin sa buong SHS department.
Everyone was friendly and fun to talk with. The party caused us friendship and a teenage memory.
Naging normal na pagpasok ang mga sumunod na buwan para sa aming lahat. Klase rito, klase roon. Activities everywhere, fun time anytime.
Sa aming magkakaibigan ay marami ring naganap.
Si Sefi ay naging school model kasama ang isa pang lalaki mula sa ibang strand, at ngayon ay tuwang-tuwa dahil sa photoshoot gigs na natatanggap niya minsan. Sa ibang pagkakataon ay kasama nya roon si Niiza at si Dynsil dahil nakikilala na rin ang channel nila sa vlogging industry.
Si Niiza ay sumali sa volleyball team at si Riggs ay sa soccer team. Training ang pinagkaka-abalahan nilang dalawa nitong mga nakaraan.
Brennon and Dynsil were officially dating after that night. Namatay na rin ang usap-usapan tungkol sa aming dalawa ni Brennon dahil doon. Dynsil was also busy with the debate team dahil siya ang tumayong leader ng grupo roon. Brennon became busy with basketball too, and with fixing his flight requirements as well.
As for me, I learned how to smile genuinely. I became truly happy.
After setting myself loose that night, mas marami akong naging kaibigan. Mas naging magaan ang paggising at pagpasok ko araw-araw. I am doing well in school, as well as with leading the student body and the student council. Minsan na rin akong kumanta sa isang fiesta nang imbitahan ako ni Kiro roon para maging singer sa gig nila.
The party turned my social life upside-down, in a good way.
Kasalukuyan kami ngayong kumakain ng lunch sa cafeteria. Everyone was busy chatting and laughing. I, on the other hand, am busy with my phone.
Kiro:
Sama ka? Gig sa Sabado.I bite my lip, thinking of a good reply.
“Uy, Isa, sino ‘yan, ha?” hindi agad ako naka-react nang hablutin ni Niiza ang cellphone sa kamay ko.
“Yieee, si Kiro,” kantyaw pa niya habang binabalik sa akin ang cellphone ko.
“Baliw. Niyayaya lang ulit ako sa gig.”
“You’ll go?”
Napalingon ako kay Brennon nang magtanong ito. I shrugged.
“Hindi ko pa alam kung may gagawin ako, eh.”
“Say no. May lakad tayo,” sabi pa nito kaya nagtaka ako.
“Saan tayo, pinsan?” tanong ni Riggs kay Brennon.
“Hindi ka kasama.”
Napuno ng tawanan at asaran ang table namin dahil doon. Si Riggs naman ay sinamaan ng tingin si Brennon at pinakitaan pa ng kamao na tinawanan lang naman nito.
“Kami lang muna ni Iyah, may pupuntahan kami.”
Napataas ang kilay ko sa sinabi nito.
“Where?” I asked but he just shrugged, not planning to tell me his plans that includes me.
Pinaningkitan ko lang ito ng mata bago kinuha ang cellphone para mag-reply kay Kiro.
Me:
I promise, the next time you ask me, I will surely come.
BINABASA MO ANG
When My Life Was Him
Fiksi RemajaIsayah and Brennon have been best friends ever since they were kids. They were with each other as they grow up, experiencing a lot of things side by side. However, like with any other cliché duo, one fell, and the other did not. Isayah thought that...