“She was not supposed to drink, Riggs! Alam mong hindi ko siya pinapayagan!”
“Bro, chill ka nga! Hindi ko nga siya pinilit! Walang pumilit sa kanya, gusto niyang uminom!”
“Why did you let her?!”
“Alangang pigilan ko? Nag-eenjoy nga siya kahapon, eh! Wala namang problema don, bro! Hindi naman namin siya pinabayaan, ah!”
“Hindi pinabayaan?! Look at her! She’s still not waking up!”
“Lasing siya, bro! Hindi naaksidente! Malamang mahaba tulog nyan!”
“That’s not my point, Riggs! Bakit nyo pinainom si Iyah?!”
Dahan-dahan akong nagmulat nang mata dahil sa ingay na naririnig ko. Agad akong nakaramdam ng kaunting sakit sa ulo pero hindi ko ito pinagtuunan ng pansin.
Naririnig ko ang sigawan, at sa tingin ko ay ang dalawang lalaking kasama namin iyon. Nakita kong lumabas si Sefi sa sulok ng aking mga mata na sinundan naman ni Dynsil. Si Niiza ay nakita kong tulog pa rin.
“What’s happening here?” rinig kong tanong ni Dynsil mula sa labas.
“Isa’s still sleeping, Brennon. Normal naman iyon kapag nalalasing, late talaga gumising,” natatawang sabi pa ni Sefi. Siguro ay natatawa siya sa reaksyon ni Brennon.
“It’s not my point, Josiefeen!” matigas pa rin na sabi ni Brennon.
“Don’t you raise your voice at her,” kalmadong saway ni Dynsil.
“Ano bang problema mo? You’re overreacting. Wala namang masamang nangyari kay Isa. She’s just drunk,” si Sefi.
“I let her drink because you said she’s only going to drink root beer. Tapos malalaman ko na she drunk a very hard drink?! What the hell! Hindi niyo siya binantayan! Sana man lang pinigilan niyo!”
“What the hell din, bro!” naiinis na sabi pa ni Riggs. Hindi ko alam kung iniinis niya lalo si Brennon o hindi.
“Edi sana ikaw yung nagbantay! Pucha naman, oh! Hindi naman namin tinapon sa dagat si Isa, ah! Problema mo?! Natutulog, eh!” rinig kong sigaw ni Niiza na hindi ko namalayang nagising at nakalabas na pala.
“Oo nga, bro. Nasaan ka ba kagabi, ha? Sabi mo eh susunduin mo lang si Den-den pero bumalik naman siya mag-isa.”
“It’s none of your business.”
“Edi it’s none of your business din kung nag-inom si Isa! Wala ka naman kagabi, ah?”
“Shut up.”
“Shut up mo mukha mo! Pagkatapos mo akong gisingin, ha?”
“Niiza,” pag-awat ni Dynsil.
Hindi ko na hinintay na may magsalita pa ulit at magsimula ng bagong pagtatalo. Bumangon na ako at pumunta sa labas kung nasaan sila. Mabuti na lang at kami lang ang nag-overnight sa beach na ito. Nakakahiya. Ang aga-aga.
“Brennon,” pagtawag ko ng pansin dito. Lahat sila ay napalingon sa akin.
“I’m fine. Kumalma ka.” Iyon lang ang sinabi ko.
Gustuhin ko man na lumapit sa kanya at lambingin ito katulad ng lagi kong ginagawa sa tuwing may nagagawa akong hindi niya gusto, nanatili lang ako sa pwesto ko.
Hindi ko rin naman gusto ang pagsigaw niya sa mga bago naming kaibigan. Alam kong bago pa lang kami magkakakilala, at nakakabastos ang pinakitang ugali ni Brennon sa kanila. Sabihin na nating mas pinapanigan ko ang mga bago kong kaibigan kaysa kay Brennon.
Hindi ko alam, naiinis din ako. Hindi na siya bumalik kagabi at ngayong makikita ko nga ulit siya ay nagsisimula naman ito ng away.
Tahimik lang ang lahat. Si Brennon naman ay tahimik din akong pinagmamasdan. Siguro ay tinitingnan niya kung okay lang ba talaga ako. Ngumiti lang ako sa kanya. Okay naman talaga ako. Maliban sa sakit ng ulo ay wala namang masakit pa sa akin maliban sa damdamin ko.

BINABASA MO ANG
When My Life Was Him
Ficção AdolescenteIsayah and Brennon have been best friends ever since they were kids. They were with each other as they grow up, experiencing a lot of things side by side. However, like with any other cliché duo, one fell, and the other did not. Isayah thought that...