Chapter 06

0 0 0
                                    

I woke up the next day as if nothing happened.

I found myself hugging my best friend who is still asleep. Mas lumapit ako dito at mas hinigpitan pa ang yakap sa kaniya. Ilang minuto lang ako sa ganoong pwesto nang maramdaman ko ang bahagyang paggalaw ni Brennon.

Tumingala ako dito at napangiti nang makitang nagmulat ito ng mga mata at tumingin pababa sa akin.

"Good morning," bati ko dito.

Nagbaba naman ito ng tingin sakin at ngumiti.

"Good morning,"

Dahan-dahan itong bumangon mula sa pagkakahiga at nang makatayo na ito ay inalalayan niya naman ako.

Pinulupot niya ang braso niya sa bewang ko at iginiya ako palabas ng kwarto ko at pababa sa hagdan. Hinayaan ko lang ang sarili kong sumunod sa bawat hakbang niya palabas ng bahay ko. Saglit siyang bumitaw sa akin para i-lock ang pinto at nang matapos niyang isara ay ibinalik niya ang braso sa bewang ko.

Naglakad kami papasok sa bahay niya at tumigil nang nasa terrace na kami. Inalalayan niya ako paupo at nagpaalam.

"May kukunin lang ako sa kusina."

Tumango lang ako sa kanya at ngumiti.

Nang pumasok siya ay tumayo ako at lumabas ng terrace palapit sa mga nakatanim na bulaklak doon. Mga tanim ito ni Lola at nang namatay siya, ilang araw ko rin itong hindi nadiligan. Mas kailangan ako ni Brennon kaysa sa mga rosas na ito.

Umupo ako para tingnan ito sa malapitan. Simula nang dumating sina Tita Ruby ay nabuhay ulit ang mga bulaklak. Abala ako sa pagpipitas ng ilang tuyong dahon sa paligid ng mga halaman nang may narinig akong nagsalita.

"Okay ka na?"

Siyempre, si Riggs iyon. Siya lang naman, bukod kay Brennon, ang nakakaalam ng sitwasyon ko kahapon. Iyon ay kung hindi niya ito sinabi kina Tita.

Ngumiti lang ako dito.

Naglakad ito papalapit sa akin at naupo sa tabi ko.

"Tinatanong kita," aniya.

"Brennon told me not to answer that certain question."

It's true. When he first found out about what I did years ago, hindi ito nagtanong kahit isang beses kung ayos lang ako. When I asked him why he's not asking, he told me not to answer that question if anyone else asks me.

He told me that he already knows how I feel every time I do such thing. Sinabi niya rin na wala ring kwenta kung magtatanong siya, dahil of course, I will say yes.

Hanggang sa nakasanayan ko na. I never answer that certain question, not even when my parents ask me.

"Bakit naman?" Tanong pa nito.

I shrugged my shoulders as I continue to pick dry leaves around the roses.

"I would've said yes, and I would be lying."

"Edi sabihin mo na lang ang totoo. Na hindi ka okay."

"Then what?" I let out a bitter chuckle.

"I don't need that kind of question, Riggs. I know I'm not okay, but I don't need to tell it to people."

"Let me guess," sabi nito.

"Sinabi rin yan ni Brennon, tama ba?"

Tumango lang ako dito.

Sandali rin kaming nanahimik lang habang patuloy kong pinipitas ang mga tuyong dahon. Maya-maya pa ay narinig ko na ang boses ni Brennon na tinatawag ako.

When My Life Was HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon