"Ma, I'm fine here," I said.
My mother keeps on bugging me ever since lumipat ako pansamantala sa bahay ng best friend ko.
"Why don't you just come home?" she asks as if it's the first time she did.
Well, first time after three consecutive days, in which she asked the same question.
"I told you already Ma. Walang kasama si Brennon dito sa bahay nila. Kamamatay lang ng Lola niya and I can't just stay home habang nagluluksa ang best friend ko, alone," I pointed out.
"Isayah, our house is just right next to Brennon's house, kaya hindi ko pa rin maintindihan kung bakit kailangan mong lumipat dyan when you're just a fence away!"
"Ma," I sighed.
"Why are you so worried?"
"Babae ka pa rin, anak. Dalaga ka na. You, staying with a guy at your age, alone, is not a good sight,"
"Brennon has been my friend, Ma. You know him since we were kids. I trust him,"
"I also do!" I heard my mother sighed, frustrated.
"Ma, look, let me stay here for a bit more, please?"
"How long?"
"Just until his family from Cebu arrives."
Tita Alison, Brennon's aunt contacted me earlier. Kilala ko na rin ito dahil sa ilang taong pagkakaibigan namin ni Brennon. Siya ang responsible sa finances ni Brennon at ng Lola niya noon pa man. Nasa ibang bansa ito, at kaya hindi ito makauwi sa Pilipinas dahil may pamilya na ito roon.
Brennon's parents died when we were seven, just before we settled down next to their house. Sa ibang bayan kami nakatira noon, and we decided to stay here dahil na rin sa nandito ang iba naming kamag-anak.
As what Tita had told me, darating daw ang mga kamag-anak ni Brennon from Cebu. Kapatid ni Tita at ng Papa ni Brennon ang padre de pamilya ng darating. Kasama nito ang buong pamilya nito, at base sa sinabi sakin ni Tita, dito muna sila titira pansamantala habang tinatayo pa ang bahay nila dito sa probinsya.
"Okay, anak. Just do go home as soon as possible, okay?"
"Okay, Ma," And I ended the call.
I actually do live next to Brennon's house. Mag-isa na lang akong nakatira roon dahil nasa Manila sina Mama at Papa. Kasama dapat nila ako pero tumanggi ako. I told them na tatapusin ko ang Senior High ko dito and then pupunta ako sa kanila pag college na ako. Pumayag naman sila roon.
Kaya nang manatay si Lola, na siyang kasama ni Brennon dito, lumipat agad ako para damayan siya at hindi hayaang mag-isa lang siya.
Alam ko kasi yung feeling nang mag-isa sa bahay. Nakakalungkot. Lalo na at si Lola na ang nagpalaki sa kanya.
Lumabas ako ng kwarto ko at pumunta sa kinaroroonan ni Brennon. Naroon pa ito sa loob ng kwarto niya at siguro ay tulog pa.
Kumatok ako ng tatlong beses bago buksan ang pinto para makapasok. Naabutan kong tulog na tulog pa rin si Brennon habang nakadapa at suot pa ang pantalong suot niya kahapon.
Sa ilang taong pagkakaibigan namin, wala na kaming ilangan sa isa't isa.
Umupo ako sa tabi ng kama niya at dahan-dayang niyugyog ang mga balikat niya para gisingin.
"Brennon," pagtawag ko dito.
"Gising na, may sasabihin ako sa'yo,"
Unti-unti naman itong nagmulat ng mata bago humarap sakin.
"Good morning," bati nito sa garalgal na boses.
BINABASA MO ANG
When My Life Was Him
Fiksi RemajaIsayah and Brennon have been best friends ever since they were kids. They were with each other as they grow up, experiencing a lot of things side by side. However, like with any other cliché duo, one fell, and the other did not. Isayah thought that...
