Midnight Song

459 17 11
                                    

A Story of a girl who is struggling with her XP (xeroderma pigmentosum-A skin Cancer) that doesn't allows you to go outside when Day because your skin can't endure the rays of the sun. Once you received even a little it'll burn your skin or worst....you'll die in an instant. This girl only goes outside when night. On night, she's a live street performer and there he met this guy that make her hear beat. Will she able to continue her love until to the end if her life span is only short?

****


First One-Shot story, dedicated sa kaniya dahil siya ang pinaka-unang bumasa nito.


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~


Ako si Khaira Yasashi. 16 years old.


Kung ikaw ay may sakit na XP(Xeroderma Pigmentosum)? magiging masaya ka ba? 'Yung nakakalabas kalang pag-gabi at pag-umaga naman ay hindi makalabas dahil bawal kang masikatan ng araw. Akala niyo siguro maganda,no? Dahil para saakin. Hindi. Dahil kung masikatan ka ng araw ay pwede mo na itong ikamatay. Oh,diba? Agad-agaran. Isang mali mo lang at pagnabilad ka ay maamis ang buhay mo.


Simula pagkabata ko ay palagi akong ikinukulong sa kwarto ko kahit gustong-gusto kong lumabas pero hindi ako pinapayagan ni Papa at Mama pero wala silang sinasabing dahilan. Pero nung lumaki na ako ay duon ko na naintindihan ang dahilan at kung ano talaga ang dahilan. At yun ay ang sakit kong XP.


Ngayon, nakasilip ako sa bintana ng kwarto ko. Ala-sais na kaya wala nang araw. Nakahalumbaba lang ako. Napangiti ako ng makita ko na naman ang lalaki na palaging nasa Waiting Shed. Araw-araw ko siyang nakikita rito. Natatawa nga ako minsan sa mga pinaggagawa niyang kalokohan pero alam ko naman na hindi niya ako maririnig o mamamalayan dahil malayo ako sa kaniya. Umalis na siya kasama ang mga kaibigan niya. Nagkibit balikat nalang ako at tumayo ng tuwid. Nagbihis ako ng maayos na damit at bumaba na sa baba. Kakain na kasi kami ng hapunan.


Pagkatapos naming kumain ng hapunan ay umakyat muli ako sa kwarto ko at kinuha ang gitara ko. Bumaba na ako habang bitbit ng kanang kamay ko ang gitara.


"Khaira, aalis ka na naman?" mahinahon na tanong saakin ni Mama. Tumango ako at naglakad muli. Hinarang naman ako ni Papa.


"Anong oras ang pagsikat ng araw?" pang-uuyam ni Papa saakin. Ngumiti ako sa kaniya ng mapaglaro.


"4:30am, pwede na akong umalis?" saad ko. Bumuntong hininga nalang si Papa at tumango. Tumango ako sa kaniya at tsaka lumabas. Pupunta ako duon sa malapit na parke. Duon kasi ako madalas na tumutugtog.


Nang makarating ako ay walang tao tulad ng inaasahan ko. Napangiti tuloy ako. Nilinis ko ang sahig na uupuan ko gamit ang mga paa ko. Mga sigarilyo lang naman na nakakalat. Umupo na ako at nagsimulang tumugtog.Ipinikit ko ang aking mga mata.


~So I'm going to go see you right now, that's what I've decided~

~I want to have you listen to this song, that I have in my pocket~

~Quietly, I turned up the volume, to make sure that it was there~


~Oh good-bye days, right now~

Reveries & WondersWhere stories live. Discover now