Marahuyo
Tumigil na ako sa pagkahumaling sa'yo.
Hindi ko kailanman sasambiting,
Malamyos mong tinig,
Isang ritmo ng musika sa aking tenga.
Mga mata mong taglay ang liwanag ng sinag ng araw,
Hind ko maiwasang pagmasdan.
Mga labi mong may kulay na kasing tingkad ng rosas,
Nakakapagdala ng kiliti sa katawan.
Mga damdamin nating sumasayaw sa damuhan,
Wala nga naman talagang kapantay.
Sa kaibuturan kasi ng aking puso,
Alam ko,
Hindi ko na tatawagin ang pangalan mo,
sa tuwing ako' y nalulungkot.
Hindi ko na hahanapin ang presensya mo.
Sa tuwing naalala ko ang ngiti mong nakakapanghina ng tuhod.
Hindi na bubungad ang larawan mo,
Sa tuwing susubukan kong buklatin ang lamang ng puso ko.
Hindi na kita hahabulin,
Sa tuwing maglalakad ka palayo.
Hindi ako naniniwala na
Hahagkan mo ako't hahalikan
Sa bawat oras na gugustuhin nating dalawa.
Bubulungan mo ako ng matatamis na salita,
Sa bawat oras na hindi ko na maintindihan ang aking sarili.
Hindi ka lilisan,
Sa bawat oras na nasisilayan mo kung gaano ako kahina.
Umaasa akong,
Gagaling din ako sa sakit dulot ng pag ibig mo.
Magbalik ka man, hindi na kita pauunlakan pa,
Pagmamahal ko'y napapagal rin,
Wala na akong karapatang sabihin na,
Marahuyo kong damdamin ay aabot din sa'yo.

YOU ARE READING
Reveries & Wonders
شِعرI bleed words and turn them into literary pieces. A collection of my poems and short stories. Photo by: Hannah Busing