Pagbabago ng Mundo

96 4 0
                                    

Pagbabago ng Mundo
By: AnimeAddict04

Hindi lamang ating mundo'y nagbabago,
pati mga hayop at tao sa mundo.
'Di kayang mahalin ating Inang Bayan,
responsibilidad hindi magampanan.

Hindi tinatangkilik sariling wika,
tinitingala ang banyagang salita.
Ayaw aralin ating asignatura,
walang pakielam sa ating kultura.

Noon, ang mga bayani ay nagtipon.
Para sa atin, ang lakas ay inipon.
Ang ating kalayaan, gustong makamtan,
pinaglaban ang sariling panitikan.

Ngunit, anong nangyari sa ating nayon?
Nangingibabaw ang teknolohiya ngayon.
Maraming pinagbago ating panahon,
mula sa pinaka-unang henerasyon.

Marami tayong likas na yaman.
Ang iba't-ibang ilog at karagatan.
Ang ating napakagandang kalikasan.
Na sa bawat oras ay nababawasan.

Ang mga bulaklak at mga halaman,
ating mga puno at mga luntian.
Dati rati ay pinahahalagahan,
lubusan nating pinangangalagaan.

Ngunit ngayon, nasaan na ang mga ito?
Ang masaganang halaman at puno?
Mga malalagong bulaklak at damo?
Ang sagot? Inaabuso natin ito.

Nabubulok na ating pagkatao.
Napapapikot ng tukso ating ulo.
Sa nagtitiwala'y tayo'y naging lilo,
ating ginagawa'y parang palalo.

Sa mga dating na mga dantaon,
ang mga susunod pa na henerasyon.
Magbabago pa ating kapaligiran.
Ito'y hinding-hindi na mapipigilan.

PS: Nakita ko lang sa notebook ko dati ng Grade 8. May sukat pa yang labindalawa hahaha. Hello sa mga Environmentalist diyan!

Reveries & WondersWhere stories live. Discover now