May isang babae na galing sa kaniyang klase na kakatapos lamang at siya ay naglalakad papunta sa Library ng kaniyang eskwelahan. Ang ngalan niya ay Jayden Christel, hindi na kailangan ang kaniyang apelyido sa storya. Siya ay nakasuot ng Reading Glasses at siya ay nakapony-tail.Ang kaniyang buhok ay may kulay ng kahoy o mas kilala bilang brown. Ang kaniyang bilugang mga mata na kulay brown rin ay tumugma sa kaniyang mala-anghel na mukha. Naka-civilian lamang siya dahil hindi naman kailangan ng uniporme sa kanilang eskwelahan.
Nang makapasok siya sa Library ay pumunta kaagad siya sa Librarian para kunin ang kaniyang card para makabasa siya sa Library
"Good Morning,Jayden, ito na ang card mo" nakangiting bati sa kaniya ng Librarian at ibinigay na ng Librarian ang kaniyang Card, tumango siya rito at ngumiti
"Good Morning rin po" bati pabalik sa kaniya ni Jayden, naglakad na palayo si Jayden sa Librarian at tumungo na sa mga Book Shelves at nasa Science section siya. Gusto niya lang kasing magbasa ng Physics, lalong-lalo na ang mga tao na mga nilalaman nito, halimbawa, si Albert Einstein,Galileo Galilei ,etc.
Kinuha niya na ang libro na kaniyang gusto at umupo na sa isang table at sinimulan ng magbasa. Ito lamang ang kaniyang gawain buong araw kaya kahit hindi siya napasok sa klase ay matataas ang kaniyang marka, lalong-lalo na sa Agham (Science). Naiintindihan naman siya ng mga guro dahil nag-aaral din naman siya. Siya ay ang kasalukuyang Top 1 sa kanilang klase at hindi naman niya yun ipinagmamayabang bagkus ay nagiging makapumbaba siya ngunit hindi siya madalas makisalamuha sa mga tao.
Sa gitna ng kaniyang pagbabasa ay nangambala siya dahil sa nag-vibrate ang kaniyang cellphone,simbolo na may nagtext sa kaniya kaya kaagad niyang binasa 'yon.
From: Mommy
Anak,Umuwi kana, gabi na.
Napangiwi naman siya sa nabasa niya. Hindi na pala niya namalayan na mag-ga-gabi na. Tumayo na siya at ibinalik muli ang libro sa pinagkuhanan niya na nito at ibinalik na ang card niya sa Librarian
"Good Bye,Jayden, Good Night narin"pamamaalam sa kaniya ng Librarian habang nakangiti. Ngumiti rin siya pabalik at tumango. Hindi siya madalas magsalita, kaya siya tinaguriang tahimik sa kanilang Room.
Lumabas na siya sa eskwelahan at sinulyapan ang kaniyang relo, 5:00oclock na ng hapon kaya naglakad na siya patungo sa kaniyang sasakyan na Crosswind at binuksan na ito para makapagmaneho na pauwi
—————-HOME———————-
Nakauwi na si Jayden sa kanilang bahay, Sa bahay nila ay may malalaking mga area. Katulad nang malaking hardin na binubuo ng mga berdeng mga dahon,damo at mga makukulay na bulaklak. Isama mo pa ang Malaking Fountain sa gitnan nito kaya magmumukha itong paraiso. Pagkapasok niya ay sinalubong kaagad siya ng kaniyang Mommy and Daddy at nagbesohan sila. umupo sila sa Salas dahil may munting pagpupulong sila na isasagawa.
"Anak, napagdesisyonan namin na pagibain ang Library na 'yon"saad ng Ina ni Jayden sa kaniya. Bakas sa mukha ni Jayden ang gulat dahil sa sinabi ng kaniyang ina. Sila Jayen ang may-ari ng paaralan kung saan nag-aaral siya ngayon subalit wala sa mga kapwa niyang estudyante ang nakakaalam dahil baka bigyan lamang siya nito ng mgs special treatments at gawin pa siyang kaibigan dahil lang sa yaman ng kaniyang pamilya.

YOU ARE READING
Reveries & Wonders
PoetryI bleed words and turn them into literary pieces. A collection of my poems and short stories. Photo by: Hannah Busing