Lilith: Ang babae bago si Eva

639 23 15
                                    

12/09/15

Created by AnimeAddict04

___________

Noong panahon pa ng paglikha sa mundo, may nilikha ang Diyos na unang babae at lalaki sa daigdig pero ang babae ay hindi si Eva. May mas nauna pa kay Eva at ang pangalan niya ay Lilith, isang babaeng may itim na buhok, maputi at makinis na balat at itim na mga mata.

"Kayo ang inaatasan kong mangalaga dito sa Eden. Humayo kayo't mamuhay nang masagana, basta't lagi niyo lang tatandaan, ako lang ang inyong Panginoon, wala nang iba. Huwag din kayong bibigay sa kasamaan buhat ni Satanas." Bilin ng Diyos sa kanila. Ngunit sa kabila nito, palaging napupuno ng katanungan ang isip ni Lilith, bakit nga ba sila sumusunod sa utos ng Diyos? Ano ngayon kung siya ang lumikha ng sanlibutan?

Isang gabi, habang naghahanda si Lilith ng mga dahon para sa kaniyang pagtulog, may anino na biglang dumaan sa likod niya. Halos mapatalon siya sa gulat.

"Sino 'yan?!" Sigaw niya pero kaluskos lamang ng dahon ang kaniyang narinig. Nagkibit-balikat na lamang siya sa pag-aakalang guni-guni niya lamang 'yun.

Nang siya'y  humakbang na muli, biglang may sumulpot sa kaniyang harapan. Ito ay isang lalaki na may ginintuang buhok, asul na mga mata, matipunong katawan at maputing balat. Ngunit ang kaagaw-agaw pansin sa kaniya ay ang kaniyang mabalahibong itim na mga pakpak. Bigla nitong hinablot si Lilith at isinandal sa puno. Napadaing naman si Lilith sa pwersa.

"Lilith. Itakwil mo ang iyong Diyos at sumama sa akin. Hindi ka ba naiinis dahil lahat nalang ng inyong gagawin ay kontrolado niya? Hindi ka ba napapagod magpadikta sa kaniya? Pagsumama ka sa akin, magiging malaya ka. Magagawa mo lahat nang gusto mo. Lilith, hindi ka nararapat mapunta sa mortal na si Adam." Saad ni Lucifer at hinawakan ang baba ni Lilith.

"Sa akin ka nararapat." Dagdag niya at hinalikan ang babae. Nagliwanag ang kanilang mga labi at tila nagdiwang ang kadiliman. Nagkaroon na ng bagong reyna ang impyerno. Rinig ang samu't-saring sigaw ng mga kaluluwang nasusunog sa apoy ng kaparusahan.

"Sa'yong-sa'yo lamang ako, Lucifer." Saad ni Lilith na tuluyan na nang nasakop ng kasamaan ni Satanas. Biglang nagliwanag ang kalangitan at dumagundong nang napakalakas.

"Paano mo sa'kin nagawa 'to, Lilith? Tinraydor mo ang Panginoon mo!" Saad ng boses sa kalangitan. Umirap na lamang si Lilith at hinawakan ang kamay ni Lucifer. Lumipad sila sa himapapawid.

"Hindi mo kami ginising sa karunungan dahil alam mo na kung maging mulat kami sa mga nangyayari sa paligid namin, maari ka naming itakwil. Kaya ngayon, ginising ako ni Lucifer at wala dapat sambahin ang mga nilalang dahil lahat tayo ay pantay-pantay!" Bulyaw ni Lilith at binatuhan ng bolang apoy ang nasa gitnang puno ng Eden kung saan natutulog si Adam. Nasunog ng buhay si Adam kasama ng puno at kasabay nang pagka-abo nito ay ang pagsabi ni Lilith ng:

"Ang punong 'yon ay muling tutubo mula sa abo at kung sino man ang kakain ng bunga nito ay mamumulat sa karunungan."

"Lapastangan ka!" Saad ng boses sa kalangitan at tinangkang patamaan ng kidlat si Lilith pero agad nahatak ni Lucifer si Lilith at sabay silang lumipad palayo.

"Ako na naman ang nagwagi, Diyos Ama." Saad ni Satanas bago maglaho sa dilim. 

Labis na nagalit ang Panginoon at dumagundong ang hiyaw nito sa kalangitan.

"Isinusumpa ko, mamatay lahat ng mga nilalang na magtatangkang patayin ka Lilith. Habang buhay mong pagbabayaran ang ginawa mo. Habang buhay kang magdurusa!"

Reveries & WondersWhere stories live. Discover now