Sa isang malayong lugar ay may isang kaharian. Ang kahariang Humanimalia. Masaya ang pamumuhay roon kahit hindi pangkaraniwang nilalang ang mga bumubuo rito. Sila ay kalahating tao at kalahating hayop. Ang tawag sa kanila ay Humanimals.
Ang kahariang Humanimalia ay pinamumunuan ng haring si Eleanor na kalahating Phoenix kalahating tao. Isang Griffin ang kaniyang asawa at Elena ang ngalan. Nagmamahalan silang dalisay at tunay. Ang kanilang pagmamahalan ay nagkabunga, ang kanilang kaisa-isang anak na si Elmo na isang kalahating Agila at kalahating Tao. Siya ay tinatawag na Prinsipe Elmo.
Isang araw ay nagkaroon ng isang malubhang sakit ang Prinsipe. Pinagamot siya sa iba't-ibang babaylan ngunit hindi malunasan ang kaniyang pambihirang sakit.
Hanggang dumating ang araw ng kaniyang pamamaalam. Subalit bago siya malagutan ng hininga ay sinabi niya muna ang kaniyang mga huling salita.
"Gusto kong mahimlay ang aking katawan sa loob ng simbahan at may isang magbabantay sa akin doon tuwing gabi."
Tinupad nina Haring Eleanor at Reyna Elena ang kahilingan ng kanilang yumaong anak. Nilagay ang bangkay nito sa simbahan at binibigyan ng bantay tuwing sasapit ang gabi. Ngunit, sa hindi malamang dahilan, lahat ng nagbabantay sa kaniya ay hindi na nakakabalik at pawang nawawala nang parang bula. Nagsuspetsa ang lahat at naging usap-usapan na 'to sa buong bayan.
"Ang yumao na si Prinsipe Elmo ay pinapatay ang lahat ng nagbabantay sa kaniya."
Hindi nagtagal ay nakarating kanila Eleanor at Elena ang balitang 'yon subalit mas pinili nilang balewalain na lamang ito sa pag-iisip na baka haka-haka lamang ito ng mga taga-Bayan.
Lumipas ang mga araw at oras na ni Lucifera para magbantay sa bangkay ni Prinsipe Elmo. Si Lucifera ay isang babaeng kalahating tao at kalahating tutubi. Alam niya ang mga bali-balitang nawawala ang mga nagbabantay sa bangkay ni Prinsipe Elmo ngunit hindi niya ito pinansin pa. Bagkus ay bukal sa kaniyang kalooban na tanggapin ang kaniyang misyon.
"Aking ama at ina na kapiling na nasa kalangitan, gabayan niyo po ako." bulong niya habang mahigpit na nakahawak sa kaniyang rosaryo. Ang rosaryong 'yon ay ibinigay sa kaniya ng kaniyang ina noong naghihingalo na ito dahil sa katandaan. Tandang-tanda niya pa ang bilin nito sa kaniya.
"Heto ang rosaryo ng iyong ama. Pangalagaan mo 'to at huwag na huwag mong kalilimutang magdasal dito."
Sumapit ang gabi at papunta na siya sa naturang simbahan kung saan nakalagay ang bangkay ni Prinsipe Elmo. Ibinuka niya ang kaniyang mga pakpak upang lumipad na lamang dahil mas mabilis ang pagbiyahe sa himpapawid kaysa sa lupa. Naging pula ang kaniyang mga mata at ang itim na buhok niya ay naging kahel Nagkaroon siya ng mga pawang tattoo sa iba't ibang parte ng kaniyang katawan.
Habang siya'y lumilipad ay may mga lumalapit na Dragonflies sa kaniyang gawi. May dala 'tong isang dahon na may nakaukit na mga letra. Kinuha niya 'to at binasa.
"Ikaw ay magtago sa kumpisalan ng simbahan at huwag mong bibitawan ang iyong rosaryo"
Ang katagang nakaukit sa dahon. Bahagyang kumunot ang kaniyang noo ngunit nagkibit balikat na lamang siya at bumaba na dahil nakapunta na siya sa kaniyang destino. Ang simbahan.
Pumasok siya rito at naglakad patungo sa kumpisalan at pumasok rito. Hinawakan niya ng mahigpit ang kaniyang rosaryo. Tumunog ang kampana at narinig niyang tumunog ang kabaong ng bangkay ni Prinsipe Elmo. Sumilip siya sa mga butas ng kumpisalan at duon niya nakita ang nagwawalang Prinsipe Elmo. Lumaki ang kaniyang mga mata.
"P-papaano? Hindi ba't patay na siya?" bulong niya sa kaniyang sarili.
"Nasaan?! Nasaan ang susunod kong papatayin?! Nasaan ang dapat na magbabantay saakin?!" nagwawala na saad ni Prinsipe Elmo pero na may halimaw na boses. Ang kaniyang hitsura ay kahindik-hindik kung tititigan. Nanatili lang si Lucifera sa Kumpisalan at mahigpit na nakahawak sa kaniyang rosaryo at nagdadasal.

YOU ARE READING
Reveries & Wonders
PoetryI bleed words and turn them into literary pieces. A collection of my poems and short stories. Photo by: Hannah Busing