Sa isang malayong lugar ay may isang kaharian. Ang kahariang Humanimalia. Masaya ang pamumuhay roon kahit hindi pangkaraniwang nilalang ang mga bumubuo rito. Sila ay kalahating tao at kalahating hayop. Ang tawag sa kanila ay Humanimals.
Ang kahariang Humanimalia ay pinamumunuan ng haring si Eleanor na kalahating Phoenix kalahating tao. Isang Griffin ang kaniyang asawa at Elena ang ngalan. Nagmamahalan silang dalisay at tunay. Ang kanilang pagmamahalan ay nagkabunga. Ang kanilang kaisa-isang anak na si Elmo na isang kalahating Agila at kalahating Tao. Siya ay tinatawag na Prinsipe Elmo. Si Prinsipe Elmo ay magiging Phoenix sa idad na Dalawampu't taong gulang. Siya ay kasalukuyang nasa idad na labing pito.
Isang araw ay nagkaroon ng isang malubhang sakit ang Prinsipe. Pinagamot siya sa iba't-ibang manggagamot ngunit hindi malunasan ang kaniyang sakit at sadyang pambihira sa lahat. Hanggang dumating ang araw ng kaniyang pamamaalam ngunit may huli siyang salita bago siya malagutan ng hininga.
"Gusto kong mapunta ang aking katawan sa simbahan at may isang magbabantay ng aking katawan roon pag gabi"
Ang huling habilin ni Prinsipe Elmo sa kaniyang mga magulang at tuluyan nang sumara ang mga talukap ng mata nito at nalagutan na ng hininga.
At simula nang araw ng kaniyang pagkamatay ay tinupad ng kaniyang magulang ang kaniyang hiling. Inilagay ang kaniyang bangkay sa simbahan at may inaatasan na magbantay rito. Mapa-babae man o lalaki.
Ngunit lahat ay nagtaka dahil ang lahat ng nagbabantay sa kaniya ay hindi na nakakabalik at pawang nawawala o patay na. Nagsuspetsa ang lahat at naging usap-usapan na 'to sa buong bayan. Na ang yumao na si Prinsipe Elmo ay pinapatay ang lahat ng nagbabantay sa kaniya. Nasagap nina Eleanor at Elena ang balitang 'yon ngunit hindi sila naniwala at pinagpatuloy ang pagbabantay sa bangkay ni Prinsipe Elmo.
Lumipas ang mga araw at oras na ni Lucifera para magbantay sa bangkay ni Prinsipe Elmo. Nasasagap niya ang balita na nawawala ang mga nagbabantay sa bangkay ni Prinsipe Elmo ngunit hindi niya 'yon tinaggihan bagkus ay bukal sa kaniyang kalooban na tinaggap niya iyon. Ulila na siya ngunit bago mamatay ang kaniyang ina ay binigyan siya nito ng isang rosaryo na nanggaling pa sa kaniyang ama na yumao na.
"Eto ang rosaryo ng iyong ama, pangalagaan mo 'to at palagi kang magdasal sa rosaryong iyan para saiyong ama"
Habilin ng kaniyang ina ng ibinigay 'to sa kaniya nung bata pa lamang siya. Sinunod niya ang habilin sa kaniya ng sarili niyang ina.
Sumapit ang gabi at papunta na siya sa naturang simbahan kung saan nakalagay ang bangkay ni Prinsipe Elmo. Kailangan niya pang daanan ang gubat kaya biglang nagliwanag ang kaniyang kamay at lumabas duon ang pigura ng isang Dragon Fly. Ibinuka niya ang kaniyang mga pakpak upang lumipad na lamang dahil mas mabilis ang pagbiyahe sa himpapawid kaysa sa lupa. Siya ay isang Kalahating tao at Kalahating Dragon Fly. Naging pula ang kaniyang mga mata at ang itim na buhok niya ay naging kahel Nagkaroon siya ng mga pawang tattoo sa iba't ibang parte ng kaniyang katawan.
Habang siya'y lumilipad ay may mga lumalapit na Dragonflies sa kaniyang gawi. May dala 'tong isang dahon na may nakaukit na mga letra. Kinuha niya 'to at binasa.
"Ikaw ay magtago sa kumpisalan ng simbahan at huwag mong bibitawan ang iyong rosaryo"

YOU ARE READING
Reveries & Wonders
PoetryI bleed words and turn them into literary pieces. A collection of my poems and short stories. Photo by: Hannah Busing