Naudlot na pagkakaibigan

89 4 0
                                    

Naudlot na pagkakaibigan
Made By: AnimeAddict04

Unang araw pa lamang,
nagkasundo na tayong dalawa.
Nagkwentuhan, nagtawanan,
at naging matalik na magkaibigan.

Tayo'y bumuo ng storya,
isang storyang tatatak sa ating memorya,
na kahit kailan, hindi tayo magkakalimutan,
kahit magkahiwalay tayo ay walang iwanan.

Hindi ko parin lubos maisip,
na sa kabila ng ating pinagsamahan,
na sa kabila ng pagkakaibigan nating inalagaan,
ay hahantong tayo sa kasawian.

Tama nga ba ang narinig ko sa'yo noon?
Na ikaw raw ay mapaglaro at hindi nakikipagkaibigan,
Na ikaw lamang ay nanggagamit at nang-iiwan,
para lang matugunan ang 'yong pangangailangan?

Ako nga ba'y sadyang nabulag,
Sa'yong salita't kilos na ipinakita?
Hindi ko nga ba napansin,
na ako'y iyong nililinlang narin?

Hindi pa ba sapat ang aking sakripisyo?
Ang panlilibre ko at pagdamay sa'yo?
Ang pagpapangiti ko sa'yo gamit ang aking mga biro?
Pag ikaw ay nasasaktan, ako lamang ay nasa tabi mo?

Kaibigan, bakit mo ito nagawa?
Kasinungalingan nga lang ba talaga ang lahat?
Paano ko mapapawi ang sakit?
Pwede ba kitang makuha ulit?

Halos namatay ako sa'yong tinuran,
pakiramdam ko ako ay isang hangin nalang,
isang hangin na hindi mo nakikita,
isang hangin na dinadaan-daanan mo nalang.

Bakit? Bakit ka biglang nanlamig?
Bakit mo ako biglang nilayuan?
Bakit ka nag-akto na parang ikaw pa ang nasaktan,
at ako ang lumabas na nanakit?

Sabihin mo nga sa akin,
bakit mo naisipang itigil ang lahat?
Saan nga ba ako nagkamali?
Saan nga ba akong nagkulang at ikaw ay nagsawa?

Napilitian akong mamamaalam.
'Yon kasi ang gusto mong mangyari, diba?
Mas pinili kong layuan ka para hindi ako masaktan,
pinilit kong kalimutan ang matalik kong kaibigan.

Nakakatawang isipin na sa gitna ng aking paghihinagpis,
ay may isang tao palang gusto akong damayan.
Gusto akong maging kaibigan at tulungan,
at ginising ako sa katotohanan.

Isang araw, ikaw ay humingi ng pasensya.
Sa tingin mo ba'y ganon lang 'yon kadali,
Na parang mawawala lahat ng 'yong ginawa,
sa pamamagitan lamang ng dalawang salita?

Maaring mapatawad pa kita,
pero sana iyong tandaan at maintindihan,
na wala na ang kaibigan na minahal ka noon,
at iba na ang taong kaharap mo ngayon.

- Friendship Goals? Lol.

Reveries & WondersWhere stories live. Discover now