Bago ako mawala

309 20 3
                                    

Ito na naman,
naalala ko na naman,
ang mga memorya nating dalawa,
na gusto kong balik-balikan,
at kalimutan.

Nagsimula ang storya sa iisang tao,
Na hindi sanay sumandal sa iba,
Hindi marunong magtiwala,
hindi marunong magmahal,

Ngunit isang araw,
bumaliktad ata ang posisyon ng mga planeta,
at ang araw at gabi ay kataka-takang nagpalit,
naging dalawa bigla ang buwan,
dahil sa puntong iyon,
nagkaroon ng liwanag sa madilim niyang mundo.

Dumating siya,
dumating ang taong nagturo sa kaniya ng lahat,
nagpadanas sa kaniya ng lahat,
saya, ligaya, sakit at hapdi na dala ng pag-ibig.

Ang dating hindi sumasandal sa iba ay natutong sumandal.
Ang dating hindi marunong magtiwala ay natutong magtiwala.
At higit sa lahat, ang dating hindi marunong magmahal ay natutong magmahal.

Napakasarap sa pakiramdam.
Parang lumilipad ka sa alapaap at tila nasa isang panaginip,
na kahit kailan ay ayaw mo nang magising.

Subalit, ang mga panaginip ay pwede ring maging masalimuot.
Isang bangungot na unti-unting sisira sa'yong isip at puso.
Isang bangungot na gusto mo na agad magising sa mga imaheng nakikita mo,
sa mga imaheng unti-unting pumapatay sayo,
mga imaheng nagsasalawarawan,
ng nalalapit niyang paglisan.

Napakasakit damhin,
na isang araw ay bigla nalang mawawala lahat.
Bigla kang nanlamig nang walang dahilan.
At kahit anong gawin ko'y
ako iyong iniiwasan.

Napakasakit. Parang hindi lang ata ang puso ko ang winasak mo,
kundi ang isip at buong pagkatao ko.

Kaya't masisi mo ba ako?
Kung ako ay lumalayo na sa iyo?
Kung dati'y mahal na mahal kita,
at ngayo'y ni katiting ay wala na?

Masisi mo ba ako?
Kung ako'y napagod kakasuyo,
sa isang taong para hindi naman ako minahal,
sa isang taong parang wala naman akong halaga,
at tinawanan ako nung sinabi kong mahal ko pa siya.

Kaya ngayon, na andiyan ka ulit sa tabi ko,
Gustong ibalik ang dating tayo,
Patawad pero masyado ka nang huli sa laban,
pagkat ako ay malapit nang lumisan,
sa mundong ating ginagalawan.

Salamat sa lahat ng memoryang hatid mo,
Salamat sa lahat ng pinaranas mo,
kahit sa konting sandali ay ako'y naging masaya,
diyan sa piling mo.
At sana, sa aking huling hininga,
wag ka sana magpakita.
Pagkat ayoko nang lumaban pa,
dahil katawan ko'y hirap na hirap na.
Baka kasi pagmasilayan pa kita,
ay pilitin ko pang lumaban,
at pahirapan ang sarili,
sa ilusyong "baka" mahalin mo ako ulit.
Sa salitang "baka" na papatay ulit sa puso kong naghihingalo na.

Paalam na, aking mahal. Ito na ang huling yugto ng ating storya. Mahal kita.


Reveries & WondersWhere stories live. Discover now