Pag ako namatay
By: AnimeAddict04Pag ako namatay, walang malulumbay.
Walang malulungkot, lahat makakalimot.
Pag ako namatay, wala nang pabigat.
Magiging maligaya silang lahat.Aking pamilya'y nasira.
Malayong-malayo na sa aking sinisinta.
Simula nang ako'y iwanan ng aking ama,
noong nasa tiyan pa ako ni Ina.Pag ako namatay, ako'y makakalaya,
sa lahat ng pasakit ng tadhana.
Pag ako namatay, wala nang sagabal,
na sa kanila'y nagpapapagal.Marami akong mga pangarap,
na hanggang sa panaginip nalang.
Dahil alam kong hindi nila ako tanggap,
tingi'y isang patapon nalang.Pag ako'y mawala na parang bula,
walang mag-aatubilit't mag-aabala,
na ako'y hanapin at sunduin,
sa isang lugar na mapanglaw at madilim.Aking poot, galit at pagdurusa,
ay wala lang sa kanila.
Ano nga bang saysay pag sila'y mangielam pa?
Sa tulad kong wala nang pag-asa.Ako ba ay masisi mo?
Kung bakit ko sinasambit ang mga 'to.
Magpalit kaya tayo ng pwesto,
para dinadanas ko'y malaman mo.Mahirap ba intindihin?
Hindi naman kita pipilitin.
Matagal na itong nasa aking dibdib,
at ngayon ko lang nais ibahagi.Sana, lahat ng alaaala ko'y mawala,
Sana, lahat ng dinadanas ko'y maglaho na.
Sana, lahat ng iniinda ko'y tumigil na
At sana, hindi na ako mahirapan pa.Gamit ang upuan, at isang mahabang tali,
matutupad ko narin ang matagal ko nang hiling.
Malapit na. Ang mga 'yan ay makakamtan ko rin.
Pag ako'y namatay na.

YOU ARE READING
Reveries & Wonders
PoetryI bleed words and turn them into literary pieces. A collection of my poems and short stories. Photo by: Hannah Busing