Sino nga bang nagkamali?
Made By: AnimeAddict04Sino nga ba ang nagkamali?
Ikaw na kusang lumapit,
kinausap ako't kinaibigan,
o ako na buong puso kang tinanggap?Sino nga bang nagkamali?
Ikaw na sige sa pagsambit ng mga matatamis na salita,
gamit ang malamyos mong tinig na musika sa aking tenga,
O ako na inisipan lang ang mga 'yon nang malisya?Sino nga bang nagkamali?
Ikaw na paglisan ang pinili,
lumayo sa akin nang basta-basta't walang manlang sinabi
O ako na tinanong ka kung bakit nangyari sa'tin 'to?Sino nga bang nagkamali?
Ikaw na umakto na parang wala lang ako sa'yo,
ni isang sulyap ay hindi mo manlang ako mapaunlakan
O ako na nagsisi sa bagay kahit alam kong 'di ako ang may sala?Sino nga bang nagkamali?
Ikaw na nagpakalunod sa kasiyahan,
hindi na sa akin kundi sa piling ng iba,
O ako na hanggang ngayon, umaasa parin?Sino nga bang nagkamali?
Ikaw na kinalimutan at binalewala lang ako,
hindi pinahalagahan ang pagkakaibigan,
o ako na nagpumilit ayusin ang gusto nating dalawa?Sino nga bang nagkamali?
Ikaw na kinausap ako muli na parang walang nangyari,
akala mo walang naging alitan sa pagitan natin,
O ako na ang nagpapamahal ay napalitan na ng galit?Sino nga bang nagkamali?
Ikaw na akala mo okay lang lahat,
na akala mo kahit anong gawin mo'y pagpapasensyahan pa kita,
O ako na habang tumatagal, nagsasawa na sa'yo?Sino nga bang nagkamali?
Ikaw na hindi manlang ako inisip noon,
na sa mga oras na ito ay gusto mong kausapin,
O ako na wala nang magawa dahil pagod na?Sino nga bang nagkamali?
Ikaw na gustong ibalik ang dati,
gusto mo kong makasama at makatawanan muli,
O ako na hindi ka na nakikitang kaibigan?Sino nga bang nagkamali?
Ikaw na nagpahirap sa akin at hinayaan akong magdusa,
napapaisip tuwing gabi kung anong ginawa kong mali,
O ako na hindi ka na kayang patawarin?Sino nga bang nagkamali?
Ikaw nga ba o ako?
Dapat ba hindi na tayo pinagtagpo?
Tadhana'y sadya nga namang mapaglaro.- Lol. :3

YOU ARE READING
Reveries & Wonders
PoetryI bleed words and turn them into literary pieces. A collection of my poems and short stories. Photo by: Hannah Busing