Ako ay ako (Spoken Word Poetry)

69 2 6
                                    

Ako ay isang pusong wasak. May pamilyang sira. Walang kinalakihang ama. Kulang sa oras at atensyon kaya patuloy na naghahanap ng totoomg ibigsabihin ng pagmamahal.

Ako ay isang takure. Pag ako'y napupuno, nag-iinit ang aking ulo at kumukulo ang aking dugo. Mahirap pigilan ang bagsik ng aking galit sapagkat ito'y nagtatagal hanggang ilang taon.

Ako ay isang radyo. Oo, maaring pinapakinggan ako ng iba. Siguro, nasa akin ang kanilang mga tenga. Subalit, hindi ako sigurado kung sinubukan manlang ba nilang intindihin ang bawat salitang lumalabas sa aking bibig.

Ako'y isang salamin. Kung ano ang trato mo sa akin ay ganon din ang ibabalik ko sa'yo. Madali akong mabasag ngunit sapat nang alam ko ang kahinaan ko para mag-ingat. sa uri kasi ng lipunan na kinabibilangan ko ngayon, kakaunti nalang ang mga taong kaya kong pagkatiwalaan nang lubos.

Ako ay isang unan. Ako mismo ang naging saksi kung paano tumulo ang aking mga luha tuwing gabi. Kung paano ko hagkan ang sarili para maibsan ang sakit na nararamdaman. Umaasa na sa aking pagtulog ay hindi na ako magigising.

Ako ay isang piso. May dalawang mukha. Marahil sinasabi na ng iba na ako'y magpapanggap ngunit mas maganda nang ipakita ko ang masisigla kong ngiti kaysa ang mga labi kong nangingnig sa kakaiyak. Mas maganda nang ipakita ang mga matang puno ng pangarap kaysa sa mga matang nawalan na ng rason para mabuhay.

Ako ay isang taling ginagamit sa pagpapatiwakal. Isang simbolo ng pagkitil ng sariling buhay. Maraming beses na akong nagtangka pero heto ako't humihinga parin. Hindi ako sigurado kung kailan ito magtatagumpay dahil hindi ko naman nakikita ang mga susunod na balakid na darating para subukin ulit ako.

Ako ay isang pluma. Kaya kong magpinta ng mga imahe sa aking mga mambabasa gamit ang mga salita. Sa simpleng pagsusulat, napapasaya ko ang iba. Sa simpleng pagsusulat, nailigtas ko ang sarili ko sa aking mga kamay na sumasakal na sa aking leeg.

Ako ay isang paro-paro. Sinisimbolo ko ang pagkakaroon ng buhay at ang pagkakaamis nito. Alam kong may kagandahan na nakikita sa akin ang ibang tao subalit wala akong kakayahang makita ito. Pero kahit na ganon, patuloy akong lilipad para ipamalas ang taglay kong kakayahan.

Ako ay isang bahaghari. Kahit hindi ako perpekto, naniniwala ako na lahat ng kaibahan ko sa iba ay siyang kagandahan ko. Parang ang mga kulay na sumasagisag sa bahaghari, magkakaiba man, sila'y magaganda parin kapag pinagsama-sama. Sila ang bumuo sa pag-asang buhat ng bahaghari.

Ako ay ako. Wala akong katulad. Hindi ako sigurado kung kaya kong maging tulad ng ibang tao. Kung gaano sila katalino, katatag, at kalakas pero iisa ang sigurado ko. Ako ay ako.

Reveries & WondersWhere stories live. Discover now