Music's Magic.

161 13 5
                                        

Music's Magic.

HER POV

"Ayusin mo nga ang pagtugtog mo! Namali ka ng chords!" Bulyaw sa akin ng instructor ko nang magkamali na naman ako. Hay, ang sungit talaga ng babaeng 'to. Tatandang dalaga kasi. Hahaha.

"Nakikinig ka ba?!" Bulyaw niya ulit kaya napakurap nalang ako at tumango. Pinagpatuloy ko nalang tumugtog ng All of Me sa gitara ko.

"Welcome Mr. Nathaniel Rodriguez." Napatingin ako sa bukana ng Music Club nang binati siya ng Instructor ko. Napakunot ang noo ko. Bago lang ata siya. Sinundan ko nalang siya ng tingin hanggang umupo siya sa tapat ng piano at tumugtog. Wala sa sarili akong napangiti dahil halos hindi na siya natingin sa keys pag tumutugtog siya.

"Huy, natulala ka na riyan. Jusmeyo marimar Alexandria Genesis Sandoval! Pay attention!" Bulyaw sa akin ng Instructor ko kaya tumugtog nalabg ulit ako.

"Tch, sungit." Bulong ko.

"Anong sabi mo?!" Bulyaw niya ulit kaya napairap nalang ako.

"Wala!" Tugon ko.

Lumipas ang mga oras nang hindi ko namamalayan.

Naririto na ako ngayon sa Canteen at naghahanap ng mauupuan. Hay, ba't kasi ang daming tao rito?

Habang ako'y lumilinga, nahagip ng mga mata ko ang isang lalaking mag-isang nakaupo sa isang table. Lumapit ako sa kaniya dahil pakiramdam ko ay napakapamilyar niya.

Pagkaupo ko ay ngumiti lamang siya. Nginitian ko lang siya at inalok ang sandwich ko sa kaniya. Sa hindi malamang dahilan ay hindi niya ito tinanggap dahil parang malayo ang tingin niya. Winasiwas ko ang sandwhich ko sa mukha niya pero hindi manlang siya kumurap.

"Teka, bulag ka?!" Bulalas ko. Tumango na lamang siya at nginitian ako nang alanganin.

"Oo eh." Saad niya. Napatango-tango nalang ako at nilagay sa kamay niya ang sandwich.

"Kumain ka na." Saad ko nalang kaya napabungisngis naman siya.

"Salamat." Saad niya at ngumiti. Napatulala na naman ako. Shit, why are you doing this to me Nathaniel?

Naging ganun ang paulit-ulit na senaryo kada araw. Halos hindi na nga kami mapaghiwalay.

Isang gabi, napagdesisyonan naming tumakas ulit sa kaniya-kaniya naming bahay. Hindi man halata pero may kaya ang mga pamilya namin kaya hindi na kami magtataka kung palaging mahigpit ang seguridad ng mga guards sa amin. Kaya nga tumatakas kami tuwing gabi para magkita ulit.

"Hey, may sasabihin nga pala ako." Sabay naming saad kaya napatingin kami sa isa't isang mata. Dapat ay matatawa ako sa nangyayari pero bakas sa mga mata niya ang pgkaseryoso kaya hindi nalang ako umimik.

"Ako na mauna." Saad niya. Hinawakan ko naman ang kamay niya na nagpapahiwatig na makikinig ako kung ano man ang sasabihin niya.

"I-I think I like you already." Saad niya na siya namang ikinalaki ng mga mata ko.

"Ha?!" Bulalas ko nalang dahil sa gulat.

"No. That's not the right term for that. Alexandria Genesis Sandoval, I'm already in love with you." Saad niya at hinawakan ang mga balikat ko. Teka, bulag ba talaga 'to? Parang sauladong-saulado ang katawan ng kausap niya.

Hinawakan ko ang kamay niya sa mga balikat ko at pinunta ito sa aming harapan.

"I'm feeling the same way, Nathaniel." Saad ko at ngumiti nang mapakla. Bakit kaya ganito ang tadhana? We fell inlove to each other in a very very wrong time.

Reveries & WondersWhere stories live. Discover now