KATULAD ng sinabi ni Renz sinundo niya ako sa apartment ko. And I am so happy to see him. Napaka gwapo niya ngayon at naka polo siya ng white.
"You're pretty."
Ramdam ko ang pagkapula ng pisngi ko sa sinabi niya ng makapasok ako sa kotse niya. Ilan beses pa ako napalunok dahil ito ang unang beses na pinuri niya ako. Holy crap!!
"T-thanks. You're so handsome."
Nginitian niya ako. HOLY CRAP! NAPAKA GWAPO NIYA! PUTANGINA TALAGA NG LALAKENG TO!
Dahil sa sobrang dali niya ako akitin sa kaniyang mga matatamis na ngiti, napangiti niya na naman ako. Kinikilig nalang ako palagi sa kaniya. Grrr!! Sarah wake up!
Pero infairness ah, solo ko siya ngayon at siya pa mismo nagsabi na susunduin niya ako sa apartment ko. Pero totoo naman talaga, hindi ko naman talaga alam ang event kung saan eh. Hindi naman ako mahilig pumunta sa mga bar or club na yan eh. Kaya hindi talaga ako familiar sa mga ganyan lugar kahit matagal na ako dito. Ano nga ulit yun?
Whispers Club?
Wow ha. Talaga bang Whispers o nang aakit lang ang club na yan? So, annoying.
Pagkarating namin ni Renz ay natigilan pa ako ng pinagbuksan niya ako ng pintuan sa kotse niya. Lumabas akong nakangiti na parang aso.
"Let's go."
Tumango ako.
Para siya yung nawawalang prinsipe sa buhay. Maayos ang buhay ko ngayon at kulang nalang ay kalandian. Ang hirap naman talaga i-flirt itong si Renz eh. Hindi naman ako magaling humarot sa isang lalake kundi sila Jolnariza talaga. Pero sige, magpapaturo ako sa kaniya. Pero paano? Wala siya dito sa Pinas at nasa ibang bansa siya.
Napabuntong hininga nalang ako.
Pagkapasok namin ni Renz sa loob. Sobrang dami ng tao kaya ng may biglang aatras sa harapan ko dahil puro nalang inom at sumisigaw. Mabilis na hinila ako ni Renz at dumapi ang mukha ko sa dibdib niya.
WHAT THE HELL IS THAT?!!!
Bakit pakeramdam ko nararamdaman ko mga magaganda niyang abs?!
HOLY CRAP, SARAH! IT'S NOT HIS ABS!! DIBDIB YAN NOT ABS!
"Are you okay?"
Napakurap kurap ako at mabilis ko inilayo mukha ko sa dibdib niya. INFAIRNESS SOBRANG BANGO NIYA AH! SANA PALA NIYAKAP KO NALANG SIYA!
Tumango ako "O-oo, ayos lang ako."
Bumuntong hininga siya at tumango.
Nagulat ako ng hawakan niya siko ko para siya ang maunang maglakad para hindi ako mabangga ng kahit sino.
Nakangiti na naman ako ng patago. TANGINANG LALAKENG TO! PAANONG HINDI MAWAWALA ANG FEELINGS KO SAYO KUNG GANITO KA PALA UMAKIT?!
"Hey, Renz!"
"Renz is here!"
"Hey dude!"
Nabitawan ni Renz ang kamay niya sa siko ko at pumunta siya sa tumawag sa kaniya. They hugged each other habang malalapad ang kanilang mga ngiti. I don't know them pero hindi ko naman inaasahan na marami pala nakakakilala sa kaniya dito.
"Sarah!"
Napalingon ako sa kabilang table ng marinig ko ang familiar na boses. Bigla akong napangiti ng makita kong kumakaway si Meissie sakin kaya agad akong lumapit.
I hugged her and kiss her cheeks.
"Kamusta kana? Bakit hindi mo ako dinadalaw ha?!"
Mahina ako natawa "Alam mo naman busy ako sa work ko. Next time dadalaw ako."
YOU ARE READING
Trifecta Hearts 2 : Whispered Desires (COMPLETED)
RomanceTrifecta Hearts Series 2: Whispered Desires Sarah is a dedicated employee at Renz's company. She is hardworking and admired for her skills.