13

26 10 34
                                    

“ANONG ginagawa mo rito?”

I asked him. Alam ko nandito siya para sunduin ako pero hindi naman dapat niya kailangan gawin yun dahil kaya ko naman umuwi ng walang taga hatid.

"Hindi kana matanda para hindi maalala ang sinabi ko sayo."

Nagsalubong kilay ko sa kaniya "Alam mo kagabi kapa. Sinabi ko ba sayo galawin mo ako ulit?"

"Kailangan pa ba ipaalam?" puno ng sarkastik na tanong niya.

Kumuyom kamao ko "Pangalawang beses may nangyare satin, Kevin. Hindi na ito maganda." Mahinang sambit ko.

"Tsk. Nagustuhan mo naman nangyare satin."

Bulong rin niya sa hangin! Tanginang lalake na to! Mukha ba akong bingi dito?! Para hindi marinig sinabi niya?!

"Asa!"

Tinaasan niya ako ng isang kilay niya "Let's go."

"Ano?!"

Nilingon niya ako ulit ng akmang tatalikuran niya ako.

"We need to go."

"Kaya kong umuwi mag isa."

Tinalikuran ko siya. Nahagip narin ng mata ko sila Wendi at Kira na naghihintay ng taxi. Mabuti nalang nasa medyo madilim si Kevin kaya hindi nila kami makita.

"Sarah! Tara na!" Sigaw ni Wendi.

Tumango ako ngunit napahiyaw ako ng biglang may bumuhat sakin.

"Kevin! Ibaba mo ako!"

"Why would I?"

Narinig ko pa siyang ngumiti hanggang sa maipasok niya ako sa kotse. Napatingin ako sa likod na puno ng pagtataka ang mukha nila Wendi at Kira samin.

Lagot. Tatanungin na naman nila ako bukas nito!

"Kevin! Sinabi kong bang ihatid mo ako?!"

"Shut up."

"Kevin! Buksan mo ito kung ayaw mong sirain ko pintuan ng kotse mo!"

Tinignan niya ako "Kapag sinira mo yan napaka gwapo kong kotse. Baka gusto mo makatikim ulit mismo sa kotse ko?"

Natigilan ako sa banta niya. Napaka seryoso niya at hindi ko maiwasan kabahan dahil dun.

Pinalipad na niya ang kotse hanggang sa makarating kami sa apartment. Mabilis narin ako lumabas at pumasok sa loob. Mabilis ko narin ni-lock ang pinto ko para hindi siya makapasok.

Nagising nalang ako na masakit ang buong katawan ko kaya kahit tinatamad ako bumangon, bumangon parin ako. Pagkatapos ko naligo at nag bihis ay kumain narin ako at pumasok sa work.

"Sino yun, Sarah?!"

"Sarah, may hindi kaba sinasabi samin?!"

"Oh my god! Don't tell me may boyfriend kana?!"

Umiling ako "H-hindi ko yun boyfriend. Atsaka pinipilit lang naman ako ng lalakeng yun para ihatid ako."

"Oh my gooooddd!!" Tili ni Wendi "I want to meet him! Kailangan mo ipapakilala samin boyfriend mo?!"

Kapag sinabi ko ba sa kanila na may nangyare samin. Magagalit kaya sila? Pero impossible, may naka one night stand rin naman si Kira na kami lang ni Wendi nakakaalam pero mabuti nalang hindi siya binuntis.

"Hindi ko nga siya boyfriend. Atsaka kung ipapakilala ko siya sainyo, tamo mas malamig pa yun sa ice!"

"Sus! Ayaw mo lang ipakilala samin boyfriend mo eh!" pang aasar ni Kira sakin

Trifecta Hearts 2 : Whispered Desires (COMPLETED)Where stories live. Discover now