14

29 8 65
                                    

HINDI mawala sa isip ko ang ekspresyon ng emotion ni Kevin kagabi. Parang may kakaiba sa mga tingin niya na hindi ko alam paano ipapaliwanag yun.

Napabuntong hininga nalang ako at binaliwala ko nalang yun. Habang hinahanap ko si Fernan ay may bigla akong nabunggo kaya nahulog ko ang phone ko.

"I'm so sorry! I'm sorry!"

"Okay lang."

Napaangat ang tingin ko at para akong nakakita ng magandang fairy sa buong buhay ko. Pero parang ako pa yung matanda sa kaniya like ate niya ganon.

"I'm sorry."

Tumango ako at nginitian siya "Okay lang. Ayos kalang ba?"

Tumango siya at nginitian ako "Yes, I'm okay. Uhm, I can treat you for a meal. Are you free?"

Hindi ko alam kung bakit magaan ang loob ko sa kaniya.

"Sure."

Ngumiti siya ng malapad at pumasok kami sa isang restaurant. Siya na ang pumili ng order namin.

"I'm sorry. Nasira ko ba phone mo? Pwede kong palitan."

Umiling ako at pinakita sa kaniya phone ko "Okay lang. Wala naman siya damage siya wag na."

Ngumiti siya "Nakalimutan ko magpakilala. I'm Avara."

Nilahad niya kamay niya at nakipag shake hands naman ako pabalik.

"Sarah."

"Ang ganda talaga ng mga pangalan ng may Sarah." nakangiting tugon niya "Sa tingin ko you are older than me. How old are you?"

"Twenty six na ako and you are ..?"

Nagulat siya "Edi ikaw pala yung ate satin. Well, twenty pa lang ako and not graduated pa sa college."

Nginitian ko siya "Talaga? Kamusta naman studies mo?"

"Okay naman po. Kailangan lang ng sipag at tiyaga sa college."

"Wag ka mag po sakin, para naman ako napaka tanda sayo."

Natawa siya "Masanay kana po."

Napangiti ako "Masyadong nakakatanda pakinggan sakin."

"Sige nalang."

Natatawang sabi niya hanggang sa makarating ang order namin. Siya na ang nagbayad ng bill namin hanggang sa nag kwentuhan kami.

"Do you have siblings?"

Umiling ako "Wala. Only child lang ako."

Napatango tango siya "Ako kase hinahanap namin ate namin. Matagal ko narin siya hindi nakikita at hindi ko naman alam kung nasaan siya ngayon."

Natigilan ako at napatingin sa kaniya "Saan pumunta ate mo?"

Nagkibit balikat siya "Baby pa lang si ate, wala na siya samin. Hindi ko rin nakita mukha niya kaya duda talaga namin na may kumuha kay ate."

May malungkot sa kaniyang tinig. Nararamdaman ko ang kaniyang pangungulila sa ate niya lalo na hindi niya ito nakita.

"Ang parents ko naman busy sila sa kompanya. Si Lolo naman ganon rin. Wala masyado akong nakakausap sa kanila tatlo kahit gusto ko ng makakausap. Alam ko wala silang time sakin para makausap ako. Minsan nalang hinahayaan ko nalang sila sa mga gusto nilang gawin kaya ganon narin ginagawa ko sa sarili ko."

Tinignan niya ako. Malungkot ang kaniyang mga mata at parang gusto na niyang umiyak.

"Pasensya kana. Gusto ko lang mag open sa isang tao."

Trifecta Hearts 2 : Whispered Desires (COMPLETED)Where stories live. Discover now