SUMAMA parin ako kay Rashid dahil day off ko naman talaga ngayon. No work. Just rest. Pero gusto ko lumabas kahit papaano makapag relax ako sandali dahil sa works ko.
Pagkatapos sabihin ni Kevin ang mga words na yun kagabi umalis nalang siya at pumunta sa mga anak nila Meissie para batiin ito. Sabi ni Heron, ayaw na ayaw ni Kevin na may nag aaway sa harapan niya ng dahil lang sa babae.
Pero hindi naman dahil sa ako yung pinag aaway eh. Because of me and Rashid's wants me to go out. Pero ayaw naman ni Renz dahil mag trabaho daw ako. Minsan gusto ko nalang mag assume na may gusto rin itong si Renz sa akin eh. Pero sobrang labo naman kung magkagusto si Renz sa akin. Sa itsura ko ba naman to, hindi ako magugustuhan ni Renz eh. Simpleng babae lang ako at hindi katulad ni Kia na napaka sexy at mayaman and she's a teacher narin. Atsaka kaibigan rin yun ni Meissie eh. Tsk.
"Ang lalim ng iniisip mo, ayos kalang?"
Natigilan ako sa pag iisip ng magsalita si Rashid. Nagmamaneho siya papunta sa mall dahil gusto niya manood muna kami ng cinema dahil may bagong palabas daw ngayon.
"Oo naman. Ayos lang ako."
"Good. Tell me if you need something else, okay?"
Tumango ako "Okay."
Pagkarating namin sa mall ay bumili narin siya ng ticket. Bumili narin siya ng popcorn and drinks namin at pumasok narin sa loob.
Hindi ako maka focus sa pinapanood ko dahil inaalala ko ang nangyare kagabi. Ayoko naman talaga isipin ang nangyare eh, pero kusa naman pumapasok sa isip ko yun.
Grabe. Paawat ka naman Sarah. Mamatay ka nalang kakaisip sa nangyare eh.
"Kanina kapa tahimik. Ayos kalang ba?"
Nakalabas na pala kami pagkatapos ng palabas. Hindi ko talaga namamalayan dahil sa sobrang lalim ng iniisip ko.
Tumango ako at nginitian siya "Oo naman. Nagugutom ako Rashid, bilhan mo—"
"Pizza!"
Natawa ako sa pagputol niya sakin.
"Sa tingin mo hindi ko alam?"
Nakangiting tanong niya at tumakbo siya papunta sa bibilhan ng pizza. Umupo naman ako at hinintay siya.
Ngunit habang hinihintay ko si Rashid biglang may nahagip ng mata kona familiar. Nanliit pa ang mata ko hanggang sa napansin kong si Renz yun pero ... kasama niya si Kia.
Nasasaktan na naman ako. Parang nadudurog na naman ang puso ko ng makita kong magkahawak ang kamay nila habang sobrang higpit ng pagkahawak ni Renz sa kamay ni Kia.
Tumingin si Renz sa kaniya at hinalikan ito sa maraming tao. Para akong kinakapos ng hininga at naramdaman ko nalang ang pagtulo ng mga luha ko.
Tumayo ako at hindi ko alam kung saan ako pupunta. Ayoko silang makita, ayokong makita nila ako. Nasasaktan ako. Paulit ulit nalang ako nasasaktan!
Ngunit habang naglalakad ako ay bigla akong may nabangga kaya humingi agad ako ng tawad habang hindi nakaangat ang mukha ko.
Dumaan ako sa kabila ngunit dun naman siya dadaan kaya napaangat ko ang mukha ko. Nanlaki ang mata ko ng makita kona naman siya sa harapan ko.
It was him again?!
Naka hoodie siya ng black at wala parin emosyon ang mga mata niya.
"You're crying."
Napahawak ako sa pisngi ko ng sunod-sunod tumulo ang mga luha ko kaya mabilis ko pinahid. Mabilis ko siyang nilampasan at namalayan ko nalang nasa restroom ako.
YOU ARE READING
Trifecta Hearts 2 : Whispered Desires (COMPLETED)
RomanceTrifecta Hearts Series 2: Whispered Desires Sarah is a dedicated employee at Renz's company. She is hardworking and admired for her skills.