DALAWANG LINGGO ng nakalipas at medyo magaling na ako. Inaalagaan parin ako ni Kevin hanggang sa maka recover ako. Wala narin nakakaalam sa nangyare sakin kahit sila Renz hindi nila alam. Dahil sinabi ko narin keka Owen at Kevin ay huwag ipagsabi sa kahit sino kahit kailan Meissie pa.
"Ms. Sarah, you’re all set to go. Just remember to take it easy and follow the doctor's instructions. Here are your discharge papers and some prescriptions."
Tumango ako "Thank you."
Kinuha ko ang papers at tinignan yun lahat. Nasa tabi ko si Kevin at kahit kailan hindi niya ako iniwan mag isa dito.
"I’ll make sure you get all the care you need."
Tumango ako "Hindi mo dapat ginagawa ito. I can manage rin naman eh."
"I'm always here for you, alam mo yan. Gusto kong gawin ito sayo. I care about you, and I want to make sure you’re okay. Mas lalo lang ako mag alala kapag hindi kita binantayan maigi. Besides, you need someone to help you out, at least for now.
Napangiti na naman ako at bumaling ulit sa papel.
Inasikaso narin ni Kevin ang mga papers ko rito sa ospital. Ayoko narin pumalag dahil alam ko naman hindi niya ako papakinggan kapag sinabi kong ako na ang mag asikaso.
Napatingin ako sa kaniya.
Ito ba talaga ang totoong Kevin? Ramdam ko ang pagmamahal na binibigay niya sakin lalo nasa pag aalaga niya sakin.
Nang makaalis kami sa ospital habang si Owen naman ang driver ay mabilis rin kami nakarating sa bahay ko.
"Ako na magpasok nito."
Sabi ni Owen at dinala ang mga gamit ko. Habang si Kevin naman ay inaalalayan niya akong pumasok kahit kaya ko naman pumasok.
"Kaya ko pa naman Kevin."
"Wag na makulit."
Natawa nalang ako hanggang sa pinaupo niya ako sa sofa.
"Just sit here and rest. I’ll get you some water and your medication."
Napailing iling nalang ako. Pagkabalik niya ay may dala na siyang water and gamot at inabot yun sakin.
"Magpapahinga kana after mo uminom."
"Okay lang ako, Kevin. Kaya ko pa naman eh."
Napailing iling siya "Remember, you need to rest as much as possible. No stress."
Nginitian ko siya "Salamat."
Tumango siya at nilapag ang baso sa lamesa. Napatingin siya sakin kaya napatitig narin ako sa kaniya.
Kapag ganito ang ekspresyon ng mukha niya. Napaka gwapo niya pero mas gwapo siya kayang seryoso at galit sa buong mundo.
"Uhm .. yung sinabi mo before sa ospital ..."
Umiling siya "Sarah, you don’t have to talk about it now. Just focus on getting better. We’ll figure things out later. No stress, okay?"
Tumango nalang ako "A-ayoko lang umasa ka."
Tumango siya habang kagat niya nasa ibaba niyang labi.
"I respect that. But my feelings won’t change overnight. I’ll always be here for you, no matter what."
"Ayoko lang masaktan kita."
Hinawakan niya dalawang kamay ko at tinignan ako.
"Wag ka mag alala. Just focus on getting better. Pag usapan nalang natin yan sa tamang panahon kapag magaling kana."
YOU ARE READING
Trifecta Hearts 2 : Whispered Desires (COMPLETED)
RomanceTrifecta Hearts Series 2: Whispered Desires Sarah is a dedicated employee at Renz's company. She is hardworking and admired for her skills.