16

25 7 19
                                    

OWEN’S POV

“Sa tingin mo, kilala niya tayo?”

Tanong ko sa kaniya mga maya-maya. Habang hinihintay namin bumalik si Dra. Rivonz, alam kong naiinip na siya makita si Sarah sa loob pero hindi parin kami pinapapasok.

"Wala akong pakealam kung kilala nya tayo." aniya "Hindi parin ba pwede pumasok?" naiinip na tanong niya

Umiling ako "Hintayin nalang natin si Dra. Rivonz pumunta dito."

"Rivonz, tsk!"

Alam kong malaki ang galit niya sa mga Rivonz at ganon rin ako. Sinong hindi magagalit na isa sa kanila ang pumatay kay Tito Kailus. At hanggang ngayon hindi parin namin nalalaman kung sino ba talaga sa kanila ang pumatay kay Tito.

"Hello, may ipapa signature lang ako sainyo para sa pasyente."

Napalingon ako na marinig si Dra. Rivonz. May hawak itong papel at inabot yun kay Kevin. Tinanggap naman ni Kevin.

"Kapatid ka po ng pasyente?"

Gusto ko matawa ng biglang umiba ang ekspresyon ng mukha ni Kevin sa tanong nito sa kaniya. Nakagat ko ang mga labi ko dahil parang gusto na niyang patayin ang kaharap niya.

"Dra, boyfriend po siya ng pasyente."

Mabilis na sabi ko bago pa makapag salita si Kevin. Hindi naman pumalag si Kevin sa pagkasabi ko kaya napangisi ako.

"Oh, I'm sorry." aniya "Well, may update na po tayo sa kaniya. She’s awake now and responsive."

Parang natataranta pa si Kevin na tignan si Dra. Rivonz ng marinig niyang gising na si Sarah. Ang lalake na to grabe rin pala magkagusto sa isang tao.

"Kamusta na po siya?" Tanong ko sa kaniya

"She’s still a bit disoriented, which is expected given the severity of her injury. Pero she’s able to recognize people and respond to questions. That’s a good sign."

"Ano po ang susunod na steps? What do we need to do?"

"We need to keep her under observation for a few more days to ensure there are no complications. She will need some time to fully recover, so we’ll also start planning her rehabilitation therapy."

"Makaka recover po sya agad? Or ano ba dapat gawin o makatulong sa pag recovery niya?"

"Importante na magkaroon siya ng maraming pahinga. Avoid any stress or strenuous activities. We’ll also need to monitor her for any signs of headaches, dizziness, or changes in behavior, which could indicate further issues."

Napatango tango ako "Thank you so much, Doc."

"Papasok ako."

Akmang aalis na siya ng pigilan ko si Kevin.

"Wag kang atat." bulong ko sa kaniya at tinignan ulit si Dra. Rivonz "Pwede na ba namin siya dalawin?"

Tumango ito "Yes, you can see her now, but only for a short period. She needs to rest as much as possible. Follow me, I’ll take you to her room."

Napatango ako kaya sinundan namin siya. Tinignan ko si Kevin.

"Handle your emotion, Kevin. Isipin na muna natin si Sarah."

Hindi niya ako pinansin at mas binilisan niya ang paglakad kaya tumakbo naman papalapit sa kaniya. Nang makapasok kami sa loob ay nakaupo si Sarah habang kausap siya ng nurse. May puti narin sa ulo niya which is parang band aid naman siya.

Napalingon ito samin at natigilan siya na makita kami.

"Kevin ..."

How about me? Parang hindi mo naman ako nakita dito nakatayo, Sarah ah. Ang sakit mo naman. Harap harapan pa talaga.

Trifecta Hearts 2 : Whispered Desires (COMPLETED)Where stories live. Discover now