31

28 9 35
                                    

HINDI ako makapaniwala na narito si Tito Fernan para iligtas ako ngunit naguguluhan parin ako sa nangyayare. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin nila Damian at Lisondra na nahanap na daw nila ako. Anong meron sa akin? Anong nagawa kong mali?

"P-paano kayo napunta dito? Paano n'yo nalaman nandito ako?"

"Nandito ako para iligtas ka sa kanila!" aniya "Sinabi kona sayo. Lumayo ka sa Enchanlier pero hindi ka nakinig sakin."

"T-tito Fernan, bakit? Hanggang ngayon hindi ko parin maintindihan ang lahat."

Napatitig siya sakin "Kailangan kita itakas dito bago pa mangyare sayo ng anak ninyo ni Kevin."

Natigilan ako. Paano niya nalaman ang pinagbubuntis ko?

Ngunit ayoko muna magtanong at mamaya nalang kapag nakatakas na kami dalawa. Nauna siyang lumabas habang nasa likod naman niya ako. Lumabas kami sa room ng pinanggalingan ko.

Nagtagal pa kami ni Tito Fernan hanggang sa makarating kami sa pinaka madilim na pwesto. Lumabas naman ang tatlong lalake para mag libot kaya napaupo kami ni Tito para hindi nila kami makita o maramdaman. Hanggang sa makawala sila sa paningin namin ay saka kami pumunta sa kabila.

"Sarah, kapag nailabas na kita dito. Umalis kana rito sa Pilipinas."

Bulong niya. Nagulat naman ako sa sinabi niya kaya pinigilan ko siya maglakad.

"Bakit? Bakit pinipilit mo akong lumayo?"

Bumuntong hininga siya "Malalaman mo ang lahat ng katotohanan pero hindi pa ngayon. Itatakas muna kita at kapag nakalayo na, sasabihin ko sayo ang lahat. Makinig ka muna sakin ngayon."

Hinila niya ako para mapatakbo kami dalawa ngunit sa hindi inaasahan may nakasalubong kami dalawang lalake at sinugod nila si Tito Fernan. Sinalubungan naman sila ni Tito hanggang sa mawalan sila ng malay. Lumayo naman kami doon hanggang sa may lumipad na kahoy sa ulo ni Tito kaya napatumba siya.

"Tito!"

May kaunting dugo narin sa ulo niya.

"Tito, ayos lang po ba kayo?!"

Hindi niya ako sinagot at nakahawak siya sa kaniyang ulo dahil sa pananakit nito. Napaangat naman ang aking tingin para makita kung sino ang pumalo kay Tito.

Nagulat ako na makitang tauhan nila Damian at Lisondra. Nasa likod narin nila ang mag asawa habang si Damian naman ay may hawak na baril at nililinis niya ito.

Kinabahan ako.

"Sa tingin mo Fernan, makakatakas kayo pareho dito?" Nakangising tanong ni Damian sa kaniya "Mabuti nalang narito ka dahil pagsabayin ko kayo patayin dalawa."

"Hulihin sila!"

Utos ni Lisondra sa mga bata niya kaya mabilis na lumapit sakin ang isang lalake para hilahin ako ng malakas.






KEVIN'S POV.

“SIGURADO ba kayo nandito siya?”

Tanong ni Rashid sa akin ngunit dinaanan ko lang siya ng tingin. Kinakabahan at natatakot ako sa mangyayare kay Sarah at mas lalo nasa magiging anak namin na nasa kinasapupunan niya.

Napatingin ako sa malaking building kung saan pinunta ng mga Rivonz si Sarah. Damn it!

Kumuyom ang aking kamao. Kapag sinaktan nila si Sarah at ang anak ko, makukuha nila ang hinahanap nila.

"Tsk. Sinabi kona sa kaniya huwag mangialam sa kaso ko eh!"

Naiiritang sabi ni Renz na nasa tabi ni Rashid. Narito narin si Fileo at Owen. Papunta narin sila Chairman Rivonz, Chairwoman Sanya at President Mando dito kasama ng mga pulis.

Trifecta Hearts 2 : Whispered Desires (COMPLETED)Where stories live. Discover now