JOLNARIZA’S POV
KANINA pang mahimbing na natutulog si Sarah. Hinihintay nalang namin ang paggising niya. At hindi ko naman inaasahan na buntis siya at malakas ang kutob kong si Kevin ang ama ng dinadala ng anak ni Sarah.
If it's him, bakit kailangan ikasal si Kevin sa ibang babae? Alam ba ni Kevin na mabubuntis niya sa Sarah? Kaya ba nyang papanindigan si Sarah?
Napaangat ako ng tingin at nagulat ako ng dahan-dahan iminulat ni Sarah ang mga mata niya kaya mabilis akong lumapit sa kaniya.
"Sarah ..."
Marahan siyang bumangon kaya agad ko siyang inalayan. Napaupo ako sa harapan niya at tinignan siya ng mabuti.
"Kamusta na pakeramdam mo? May gusto kabang kainin?"
Ngayon ko lang nakita na ganito ang ekspresyon ng mukha niya. Blangko ang kaniyang mga tingin sakin na para bang hindi niya ako kilala.
"Ayos lang ako."
Umiwas siya ng tingin at tinignan niya paligid niya.
"Bakit ako nandito?"
Magsasalita na sana ako ng biglang bumukas ang pinto. Pumasok si Mama at mabilis niyang nilapitan si Sarah. Kasama niya si Rashid at ... Renz.
Napatingin ako kay Sarah at nakatingin siya sa dalawang lalake. Hindi man lang siya natigilan o nagulat.
"Kamusta kana? Wala bang masakit sayo?"
"Ayos lang ako."
Umiwas na naman siya ng tingin kay Mama at binawi niya ang kaniyang kamay sa kaniya.
"Tatawagin ko lang Doctor niya."
Lumabas si Rashid at si Renz nalang ang naiwan dito. Napatingin ako kay Mama na sumenyales nalang ako umiling.
"Sarah, patawarin mo ako. Patawarin mo kami ng mga magulang mo."
Hindi nagsalita si Sarah.
"Alam ko masakit sayo ang mga nalaman mo. Hindi ko intensyon saktan, hindi namin intensyon yun, Sarah. Mahal ka namin at ayokong nagkakaganito ka. Pinag aalala mo ako."
" ... "
"Patawarin mo ako ..."
Nagsimula nang umiyak si Mama kaya hindi ko narin napigilan umiyak. Mabilis ko naman pinahid ang mga luha ko bago pa may makakita.
"N-nasaan ang mga totoong magulang ko?"
Paos na boses na kaniyang tanong samin. Hindi na ako magtataka kung alam na ni Renz ang tungkol kay Sarah, siguradong sinabi na sakaniya ni Rashid.
Umiling si Mama "Hindi ko alam, anak. Hindi ko alam sino ang mga magulang mo ..."
Tumulo ang mga luha ni Sarah kaya nakagat ko ang ibabang labi ko para mapigilan hindi humikbi.
"Pero ... alam ko kung sino makakatulong satin mahanap ang totoong mga magulang mo."
Napatingin si Sarah sa kaniya "Sino?"
"Si Tito Fernan mo."
Mabilis napatingin si Sarah kay Renz dahilan para mapatingin narin ako kay Renz. Parehas silang gulat kaya hindi ko maiwasan magtaka.
Magsasalita na sana si Mama ng biglang pumasok si Rashid kasama si Dra. Rivonz.
Nagkatinginan pa si Dra. Rivonz at Renz, para bang kilala nila ang isa't isa. Ngunit umiwas narin ng tingin si Dra. Rivonz sa kaniya at nilapitan si Sarah.
YOU ARE READING
Trifecta Hearts 2 : Whispered Desires (COMPLETED)
RomanceTrifecta Hearts Series 2: Whispered Desires Sarah is a dedicated employee at Renz's company. She is hardworking and admired for her skills.