11

35 10 11
                                    

KINABUKASAN pumasok parin ako sa Enchanlier kahit medyo masama pa pakeramdam ko. Pero alam ko naman okay na ako at kaya kona pumasok.

"I miss you so much!"

"Bakit hindi ka nagsabi samin?!"

"Nag aalala kami sayo! Pero ayaw mo naman kami papuntahin sa apartment mo!"

"Kamusta kana? Maayos na ba pakeramdam mo?!"

Sunod-sunod na tanong nila Wendi at Kira kaya mahina ako natawa. Niyakap ko rin sila pabalik at hinarap sila.

"Ayos na ako. Tignan nyo ako, maayos na maayos!"

Ngumiti sila. Marami silang sinabi sakin kaya sinasagot at nagtatanong naman ako. Bumalik narin kami sa trabaho namin at mga ilang oras ay lumabas si Renz sa office niya. Napatingin ito sakin.

"Come to my office."

Tumango ako. Pumasok narin sya kaya tumayo narin ako para pumasok. Pagkapasok ko ay nakatayo siya at nang maramdaman niyang nasa likod niya ako at nilingon niya ako. Tinignan niya ang kabuuan ko.

"Okay kana? May lagnat ka parin ba?"

"O-okay lang ako kaya nga ako pumasok."

"Take a sit."

Umupo ako sa sofa at tinignan niya. Bumuntong hininga muna sya.

"Sabihin mo sa'kin agad kapag bumalik lagnat mo pati pananakit ng paa mo, okay?"

Tumango nalang ako "Opo."

"Well, tell me. Paano kayo nagkakilala ni Kevin?"

Mahilig siya sa deretsahang usapan. Kaya nasanay narin ako sa kaniya na ganito at hindi na ako magtataka kung bakit naitanong niya pa ito. Alam mo naman ito yung sinabi niya sakin, pag uusapan namin ang tungkol kay Kevin lalo na kahapon.

"Unang pagkita namin sa mall. Bumili ako kase ng gift sa kambal nila Meissie kaya I met him."

"Then how about yesterday? Bakit nandon siya sa apartment mo?"

"D-dahil magkaharap lang ang apartment namin."

"Bakit nga siya nandon?"

"K-kase ... kase sinabihan ni Meissie puntahan ako ni Kevin para —"

"Para alagaan ka?" pagputol niya sakin "Sinabi kona sayo noon pa lang, Sarah. Ako yung tatawagan mo kapag may masama hindi nangyare sayo."

Bumaba ang tingin ko "Kase ... ayokong guluhin ka. Busy ka narin dito at may problema ang Enchanlier —"

"I don't care. You need to tell me asap kapag sumama ulit pakeramdam mo, okay?"

" ..."

"Sarah." banta niya

Kinabahan ako "O-okay."

Napasandal siya sa sofa. Tinitigan pa niya lalo ako kaya naiilang ako sa mga tingin niya.

"He's your ... boyfriend?"

Natigilan ako at mabilis akong umiling.

"Hindi! Hindi ko siya boyfriend!"

Mas lalo siya bumuntong hininga "Okay, yun lang. Go back to your work."

MAAGA kami pinauwi kaya habang nag hihintay ako ng taxi. Biglang may kotse na lumipad sa harapan ko at natigilan ako na si Renz yun kasama ang driver niya.

"Get in. Ihahatid kita."

Umiling ako "Wag na. Maghihintay nalang ako ng taxi—"

"Just get in my car, Ms. Fellipe."

Trifecta Hearts 2 : Whispered Desires (COMPLETED)Where stories live. Discover now