KEVIN’S POV
“UUWI kana?”
I nodded.
"Sama ako."
Nagsalubong ang kilay ko kay Owen. Umatras naman siya sakin at nag sign ng kamay ng 'joke'
"Nagbibiro lang ako hehe. Sige na, umuwi kana."
Hindi ko nalang siya pinansin at pinatakbo ang kotse ko pauwi.
Damn it! Namimiss kona siya agad! Bakit ba kase nandito pa mga kamaganak ni Sarah? Hindi ko tuloy siya masolo ulit! Tsk!
Pagkarating ko ay napatingin ako sa bahay ni Sarah. Natigilan ako na makita ko ang familiar na kotse.
Pinark ko muna ako kotse ko sa gilid ng apartment ko kung saan walang makakita. Sobrang dilim naman kaya mas gustuhin ko nalang dito ko pinapark palagi kotse ko.
Papasok na sana ako na makita kong bumukas ang door ni Sarah. Lumabas siya at ... Renz??
So, kotse nga ni Renz ang nakita ko. Anong ginagawa niya dito? Bakit magkasama sila ni Renz?
Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko habang nakikita kong nakangiti si Sarah sa harapan niya at ganon narin si Renz.
Hindi ko kayang makitang ganito sila. Alam ko gusto ni Sarah si Renz at naiintindihan ko yun. Pero bakit kailangan masaktan ako na ganito sila kasaya nag uusap?
SARAH’S POV.
NAGLALARO si Jaja sa kaniyang mga laruan habang si Tita at Jol naman ay nasa harapan ko. Si Renz naman ay kasama ni Jaja na naglalaro.
"Nasaan si Rashid? Balita ko nandito na yun sa Pinas!" Sabi ni Jol
"Busy si Rashid sa trabaho niya." ewan busy ba yun o ano.
"Wow, alam na alam ha!"
Natawa nalang ako at tinignan si Tita "Kamusta na po kayo Tita?"
"Ayon, ayos lang ako. Kapag wala itong pinsan mo ako yung nag aalaga kay Jaja. Mabuti nalang dahil yung yaya ni Jaja dati, umalis. Naku!"
"Bakit po?"
"Masama ugali! Hindi niya inaasikaso ng maayos si Jaja kaya buti nalang lumayas. Mabuti nalang talaga! Kaya ako na ang mag alaga sa kaniya habang nasa trabaho sila Jolnariza at Keijo."
Ngumiti ako "Mabuti narin po yun Tita."
"Eh ikaw? Bakit wala ka parin boyfriend?"
Naramdaman ko ang paglingon ni Renz sa gawi ko ngunit hindi ko siya nilingon.
"Bakit nyo po natanong Tita? Atsaka—"
"Anong atsaka?! Maghanap ka ng boyfriend mo, Sarah! Ano gagawin mo sa buhay mo? Tatanda kang walang asawa?!"
Natawa ako "Hindi naman po ganon, Tita. Atsaka nagsisimula pa lang po ako."
Nagulat si Jol "Wag mong sabihin kayo na ni Renz?"
Nagulat ako at bagaman si Renz ay natigilan. Nagtama ang mata namin dalawa pero agad rin ako umiwas.
"A-ano kaba Jol? M-magkaibigan lang kami ni Renz."
Natigilan siya. Napatingin siya sa mga mata ko kaya alam kong mamaya, kakausapin niya ako tungkol sa sinabi ko.
"Renz," tawag ni tita sa kaniya at lumapit naman si Renz at umupo sa tabi ko ngunit hindi naman sa sa sobrang lapit "May girlfriend kaba?"
Hindi ko siya tinignan dahil alam ko naman kung ano isasagot niya.
"M-may girlfriend po siya Tita. Si Kia po yung kaibigan ni Meissie sa Makati."
YOU ARE READING
Trifecta Hearts 2 : Whispered Desires (COMPLETED)
RomanceTrifecta Hearts Series 2: Whispered Desires Sarah is a dedicated employee at Renz's company. She is hardworking and admired for her skills.