“PINAPAHANAP mo si Fernan?”
Tanong ko kay Kevin ng marinig ko sila nag uusap ni Owen sa labas ng kwarto ko. Lumapit ako sa kaniya at tinignan sila dalawa. Halatang may tinatago sila sakin.
"Kebin, bakit mo pinapahanap si Fernan?"
Tinignan niya ako "Ayokong ikaw nalang mag isa mag hanap sa kaniya."
"Kebin, kaya ko naman hanapin si Fernan ng walang tumutulong sakin—"
"Sa tingin mo hahayaan kitang may mangyare sayo ulit?"
Natigilan ako.
"I'll help you to find him. Sa ayaw at sa gusto mo." Nilingon niya si Owen "Nasaan siya ngayon?"
"Dadalhin ko kayo sa kaniya."
Nagkatinginan kami ni Kevin at katulad ng sinabi niya pumunta kami kay Fernan kung nasaan siya. Unang pumasok si Owen dahil siya ang mag drive ng kotse niya at nasa backseat naman kami ni Kevin.
"Ginawa nyo naman akong driver." reklamo nito.
Hindi siya pinansin ni Kevin kaya ako nalang pumansin sa kaniya.
"Kapag napagod kana, ako na mag drive."
Mabilis siyang umiling "N-no, it's okay. Nagbibiro lang ako hehehe!"
Napangiti ako dahil para itong ayaw agawan ng candy. Mahina naman ako natawa at sumandal. Naramdaman ko nalang paghawak ni Kevin ng kamay ko kaya napatingin ako sa kaniya. Hindi siya nakatingin sakin kundi sa labas siya nakatingin pero hinihimas niya naman kamay ko.
Parang ayoko tanggalin kamay ko sa kaniya. Mas lalo gumagaan loob ko, feel ko ligtas ako sa kaniya palagi.
Mabilis na tumakbo ang oras ng makarating kami sa kinaruonan namin. Hininto naman ni Owen ang kotse kaya alam kong nandito na kami. Masyadong malayo sa city ang pinuntahan namin kaya nakakapagod rin umupo.
Naunang lumabas si Kevin at inalayan naman niya ako. Napatingin ako sa paligid ko.
Parang bukid talaga itong pinuntahan namin. May mga tao naman at napapatingin sila samin. Hinayaan ko nalang sila hindi pansinin.
"Tara na."
Alok ni Owen samin at sinundan nalang namin siya. Nang mapansin kong nakarating na kami sa bahay na puno ng kahoy, alam kong mahirap si Fernan kaya nakakapag taka lang kung bakit iniwan niya trabaho niya. Okay naman mag trabaho siya habang buntis ang asawa niya. Hindi naman problema yun eh.
Biglang may lumabas na babae sa bahay nila at napalingon ito samin.
Nanliit pa ang mga mata nito.
"Sino po kayo?"
"Kayo po ba asawa ni Tito Fernan?"
Natigilan ako sa pagbanggit ni Owen sa huling words. Tito Fernan?
Tumango ang ginang "Oo. Fernan, may naghahanap sayo!"
Pasigaw nitong sabi sa loob. Mga ilang segundo ay may lumabas na lalake—it's him.
Nagulat ito na makita ako.
"K-kayo .."
Bahagya akong lumapit sa kaniya at ngunit mabilis siyang umiwas ng tingin.
"Pasok kayo."
Sabi ng asawa niya kaya naunang pumasok si Owen at sumunod kami ni Kevin. Nang makapasok kami at nakaupo napatingin ulit ako kay Fernan.
"Kamusta kana, Kevin?"
Natigilan ako sa tanong niya kay Kevin. Magkakakilala sila?
"Ayos naman po ako, Tito. Kayo po? Matagal tagal narin kayo hindi nagparamdam samin."
YOU ARE READING
Trifecta Hearts 2 : Whispered Desires (COMPLETED)
RomansaTrifecta Hearts Series 2: Whispered Desires Sarah is a dedicated employee at Renz's company. She is hardworking and admired for her skills.