20

28 9 22
                                    

HANGGANG NGAYON bigo parin ako kausapin si Fernan. Hindi ko naiintindihan ang nangyayare. Hindi ko makuha ang punto niya kung bakit pinipilit niya akong umalis sa Enchanlier lalo nasa mga kamay ni Renz.

"No stress."

Napaangat ang tingin ko. Inabutan niya ako ng baso na may malamig na tubig kaya tinanggap ko naman iyon sa kaniya. Ininom ko naman.

"Ako na bahala kumausap sa kaniya kapag okay na." aniya "Wag ka masyado mag isip baka bumalik na naman pananakit ng ulo mo."

Tumango ako at napasandal "Papasok ako bukas. Sasabihin ko kay Renz na nagkita na kami ni Fernan."

Natigilan siya kaya napatingin ako sa kaniya. Hindi na tuloy mabasa ang itsura ng mukha niya.

"Bakit nakasimangot ka dyan?"

"Wala."

Tumayo siya at pumunta sa kusina. Tumayo naman ako at lumapit sa kaniya.

"May problema ba?"

Tinignan niya ako ngunit kakaiba yung mga tingin niya hanggang sa umiwas siya ng tingin.

"Wala. Anong gusto mong kainin? Ipagluluto kita."

"K-kahit ano."

Bigla akong kinabahan. Ano na naman ba nangyayare sa lalakeng to?

Magsasalita pa sana ako na biglang nag ring ang phone ko sa lamesa kaya kinuha ko.

It was Renz.

Napatingin muna ako kay Kevin at nakatingin naman ito sakin para bang hinihintay niyang sagutin ko ang tawag. Umupo muna ako at sinagot yun.

"Hello?"

"How's it? Nahanap muna ba si Fernan? Hindi muna ako ina-update sa nangyayare."

"Pasensya na, Renz. Pero papasok ako bukas dahil may ibabalita rin ako sayo kaya bukas ko nalang sasabihin."

Naramdaman ko ang mga titig ni Kevin sakin dahilan para mapatingin ako sa kaniya. May hawak siyang kutsilyo na sinasaktan niya yung kamantis.

"Nahanap muna siya?"

"Yes po, nahanap kona siya."

"Thanks God! Okay, I'll wait for you tomorrow —No, puntahan nalang kita dyan. Nasa apartment kaba?"

Patay.

"W-wala ako sa bahay. Wag ka mag alala. Pupuntahan agad kita sa opisina mo, agad agad."

"Fine. Don't forget your task, okay?"

"Okay."

Pinatayan na niya ako ng tawag.

Bigla ako nagtaka. Bakit iba na yung nararamdaman ko kay Renz? Dati excited ako masyado kapag tumatawag siya tapos ngayon hindi na? Parang nagiging matamlay ako agad. Tapos gusto niya pumunta dito pero sinabi ko naman wala ako sa apartment ko pero dati gusto ko lagi niya akong pinupuntahan.

Napabuntong hininga nalang ako at hindi nalang pinansin ang nararamdaman ko.

"Tsk."

Napatingin ako kay Kevin ng suminghal ito. Blangko na naman ang mukha niya at parang wala na naman siya pakealam sa paligid niya.

Kinakabahan tuloy ako.

"K-kevin, may maitutulong ba ako sayo—"

"Bakit Kevin na?"

Natigilan ako. Galit ba siya?

Napalunok ako "Kebin nga sinabi ko."

Dinaanan niya lang ako ng tingin at binalik niya ginagawa niya. Hindi ko napigilan tumayo para lapitan siya ulit.

Trifecta Hearts 2 : Whispered Desires (COMPLETED)Where stories live. Discover now