KINABUKASAN binalak kong hanapin si Fernan—no, it's Tito Fernan. Kung alam niya ang tungkol sa mga magulang ko, alam kong matutulungan niya ako pero ang kailangan ko muna unahin ay ang malinis ang pangalan ni Renz sa mga tao. Kalat na kalat siya sa social media halos siya na mismo ang pinag uusapan ngayon.
Pumunta ako sa lugar kung sana huling nakita ko si Tito Fernan ngunit nabigo ako. Wala si Tito Fernan at Tita Aling sabi ng mga kapitbahay nila.
"Matagal na po silang umalis dito."
"Nabanggit po ba nila kung sana sila nakatira ngayon?"
Umiling ito "Hindi po eh. Pasensya na po."
"Sige po, salamat."
Para akong nawawalan ng candy sa kakahanap. Napaupo pa ako dahil napapagod na ako maglakad. Hihintayin ko nalang may dumaan na taxi para makauwi narin ako.
Pagkarating ko sa isang shop ay pumasok ako. Bumili muna ako ng kakainin ko dahil nakaramdam ako ng gutom. Umupo ako at mga maya maya ay may matandang babae lumapit sakin.
"Iha, anong pangalan mo?"
Halatang sa kalye lang siya tumutuloy. Marumi narin ang damit niya ngunit napaka ganda ng kaniyang mga ngiti.
"Sarah po."
"Nakikita ko sa mga mata mong may problema ka. Alam kong malalampasan mo ang mga pagsubok na binigay sa'yo ng Diyos."
Nginitian ko siya "Salamat po."
Inabot ko sa kaniya ang pagkain na binili ko at kumain narin siya.
Ngumiti ito sakin "Patingin ako ng kamay mo."
"Bakit po?"
Nginitian niya lang ako at kinuha ang kamay ko. Napansin kong parang may hinuhulaan siya sa kamay ko.
Napatingin ako sa mukha niya na paiba iba ang ekspresyon ng mukha niya hanggang sa huli, ngumiti ito ng malapad.
Tinignan niya ako "Magpaka bait ka, iha. May darating pang pagsubok na hindi mo inaasahan."
"Talaga po? Mahirap po ba?"
"Nasa saiyo na kung mahihirapan ka o hindi. Ngunit, alam kong hindi ka totoong anak ng mga mag asawang nagpalaki sayo."
Natigilan ako. Inayos ko ang pag upo ko.
"Nakikita nyo po ba kung sino mga magulang ko?"
Nginitian niya ako "Hindi ako sigurado kung tatanggapin mo sila ng buong buo. Ngunit, nakapaligid rin sayo ang mga taong hinahanap mo."
Natigilan ako. Tumayo na siya.
"Maraming salamat sa pagkain mo iha."
Magsasalita pa sana ako ng bigla na siyang umalis. Ang dami kong gustong itanong sa kaniya ngunit totoo kaya sinasabi niya?
Nahulaan niyang ampon ako at siguradong alam niya kung sino ang totoong mga magulang ko.
Mabilis akong lumabas para hanapin siya ngunit hindi kona siya mahanap. Biglang may motor na huminto sa harapan ko. Dalawang lalake na naka maskara at hindi ko makita ang kanilang mga mukha kundi mata lang.
Hinila nila ako ngunit pinipilit kong bawiin sarili ko hanggang sa may lumipad na kamao sa mukha nila. Nahulog ang isang lalake sa motor at nagulat ako na malakas niya itong pinagsuntok suntok. Lumabas narin ng baril ang kasama ng lalake at kumalabog ang takot at kaba sa dibdib ko.
"Kevin!"
Mabilis nilang sinugod si Kevin. Nakakailag naman siya ngunit sinasalubungan naman siya ulit hanggang sa makarinig kami ng tunog ng pulis.
YOU ARE READING
Trifecta Hearts 2 : Whispered Desires (COMPLETED)
RomanceTrifecta Hearts Series 2: Whispered Desires Sarah is a dedicated employee at Renz's company. She is hardworking and admired for her skills.