SARAH’S POV.
AYAW ni Renz papasukin ako sa Enchalier dahil buntis daw ako. Ngunit nagmatigas parin ako, pumasok parin ako kahit ayaw naman nila Tita at Jol.
Pagkarating ko sa Enchanlier ay natigilan ako dahil maraming nagkakagulo. Lumapit ako sa security.
"Anong nangyayare?"
"Ma'am Sarah, napabagsak na po ng RVZ ang Enchanlier."
Nagulat ako at tumulo ang butil na luha sa mata niya.
"W-wala na po kami trabaho. Nakuha na ng mga RVZ ang gusto nila, nasa kulungan po ngayon si Renz dahil sa kaso niyang pang ra-rape nya kay—"
Nanlaki ang mata ko "Nasaan prisinto si Renz?!"
"Sarah!"
Napalingon ako. Mabilis akong tinakbuhan papalit nila Kira at Wendi. Puno ng pag alala ang kanilang mga mukha.
"Wala na ang Enchanlier ..."
Humihikbi narin sa iyak si Wendi.
"Shhhh!" Nayakap ko siya "Ano ba nangyare?"
"Si boss. Hinuli nila ..."
"Nasaan prisinto siya?"
"Alam ko kung nasaan siya."
Sulpot ni Kia na ikinatigil ko, anong ginagawa niya dito?
"Sumama kayo sakin."
Napatango nalang kami at sumama sa kaniya. Mabilis kaming nakarating sa prisinto kung saan nakalagay si Renz. Pagkarating namin ay nagulat ako na nandoon sila Rashid at Felio. It's not only them.
Nagtama ang mata namin dalawa.
Kevin ..
"Sarah, anong ginagawa mo dito?" Tanong agad sakin ni Rashid
Hindi ko siya pinansin at tinignan si Renz. Tinignan niya ako ng puno ng pag alala.
"Renz, sabihin mo sa kanila ang totoo."
"I know what to do, Sarah. But what are you doing here? Dapat nagpapahinga ka sainyo. Sinabi kona sayo huwag ka muna pumasok."
"Kung hindi ako pumasok, hindi ko malalaman ang nangyayare." napatingin ako sa isa sa mga pulis "Magsasalita ako."
RASHID'S POV.
“MAGSASALITA AKO.”
Nagulat kami sa sinabi niya. Nagkatingin pa kami ni Felio bago siya tinignan pabalik.
"Sarah, are you sure okay kalang?"
Hindi ko parin kayang iwasan hindi mag alala sa kaniya. Buntis siya at mas lalo hindi pa masyado siya naka recover sa pagkatama ng ulo niya.
Tumango ito "Magtiwala kalang."
"Ma'am."
Sumenyales ang pulis na pumasok sa loob kaya sumunod naman siya. Gusto ko syang sundan pero pinigilan ako ni Felio.
"Wag mo ako pigilan."
"Trust her."
Natigilan nalang ako. Napaupo nalang ako sa tabi ni Renz at napatingin kay Kevin. Nakatingin siya kung saan pumasok si Sarah.
Galit parin ako sa kaniya.
Siguro mag isang oras na kami nag hihintay pero hindi parin lumalabas si Sarah.
Napalingon kami nang makita namin papasok si Meissie. Ang laki ng pinagbago niya.
"Love, what are you doing here?"
YOU ARE READING
Trifecta Hearts 2 : Whispered Desires (COMPLETED)
RomanceTrifecta Hearts Series 2: Whispered Desires Sarah is a dedicated employee at Renz's company. She is hardworking and admired for her skills.