23

28 10 54
                                    

DALAWANG ARAW nang nakalipas at hindi ko parin nakikita si Kevin. Kahit kotse niya hindi ko man lang makita sa harapan ng apartment niya. Hindi narin niya ako tinatawagan.

Busy kaya siya? Ano na kaya ginagawa niya ngayon?

Pakeramdam ko miss na miss kona siya at gustong gusto kona sya mayakap at makausap.

"Sarah."

Napatingin ako kay Jol.

"Kanina kapa tumitingin sa phone mo. May hinihintay kaba?"

Umiling ako at ngumiti "Wala. Parang hindi ka naman nasanay na palagi akong nag aabang sa phone ko."

"Tsk. Wag mo ako pinagloloko, Sarah. Alam ko yan ginagawa mo. Ilang araw Kana nagkakaganyan parang may hinihintay kang tawag o text. Sino ba hinihintay mo?"

Bumuntong hininga ako "Someone."

"Someone?" Nagtatakang tanong niya "Tell me, alam ko hindi si Renz hinihintay mo pero sino yan? Si Rashid ba?"

Umiling ako "Hindi si Rashid."

Para akong nawawalan ng lakas kapag hindi ko siya nakikita. Nagiging matamlay tuloy ako.

"Eh sino?"

Nasa loob si Tita at pinapatulog si Jaja.

"Jol, actually wala na ako nararamdaman kay Renz, feel ko kase eh. Kapag kase nandito siya sa bahay o tumatawag siya o di kaya kapag nagkikita kami sa work, parang wala lang sakin. Ganon ba talaga kapag nawala yung feelings ko sa isang tao?"

"Hindi mo siya iniisip?"

"Hindi na."

"Bumibilis ba tibok ng puso mo kapag nandyan si Renz?"

"Hindi rin."

"May pumapasok ba sa isip ko kada segundo, minuto o oras kahit nandyan si Renz?"

Natigilan ako "M-meron." And it's Kevin.

"Wala ka ng feelings kay Renz."

Parang napangiti pa ako sa sinabi niya. Nagtaka naman siya at parang naguguluhan parin.

"Teka! Teka!" Lumapit siya sa tabi ko "May iba kabang nagugustuhan? Si Rashid na ba?"

Umiling ako "Hindi si Rashid."

Nagulat siya.

"Oh my god. Who's that?"

"S-simula kase nandito na kayo ni Tita. Hindi na kami nagkikita."

Natigilan siya "Bakit? Kailangan ba talaga wala kami dito para hindi namin siya makilala?"

"Hindi sa ganon. Atsaka sinabihan ko kase siya wag magpakita sakin kase nandito kayo ni Tita —"

"Tanga! Bakit mo sinabi yun sa kaniya?! At bakit mo siya tinatago samin?!" Napatayo siya "Call him, now! Pakilala mo boyfriend mo samin!"

Napaiwas ako "H-hindi ko siya boyfriend."

Natigilan siya at napaupo ulit "Ha? Eh ano? Wala kayong label ganon?"

Tinignan ko siya "Hindi kase ako sure sa nararamdaman ko sa kaniya. Malay ko ba mahulog loob ko sa kaniya."

"Tanga ka talaga, Sarah! Baka isipin nun ayaw namin sa kaniya! Pero ipakilala mo muna siya samin!"

Nakagat ko labi ko at napatingin sa kwarto ko kung saan si Tita. Bumuntong hininga muna ako at bumulong kay Jol.

"Sa harapan ng apartment ko siya nakatira."

"Oh my god!!!"

Nagulat ako sa pagtayo niya at para bang hindi siya makapaniwala.

Trifecta Hearts 2 : Whispered Desires (COMPLETED)Where stories live. Discover now