SABBY’S POV.
KAILANGAN ko kumalma habang ginagamot ko kapatid ko. Kung matataranta ako dito baka kung ano pa malagay ko sa pagka baril sa kaniya. Hindi ko narin maiwasan umiyak sa harapan niya habang binibilisan ko ang pagpapagamot.
Si Dr. Zile narin ang gumagamot kay Rashid at alam kong malalagpasan nila dalaw ano Ate Sienna ito. Hindi pwedeng mamali ako ng pagka apply sa mga materials nito kay ate.
"Dra. Hayaan nyo po ako ang gagawa—"
"Kaya ko pa!"
Naiiyak na sabi ko sa mga kasama kong nurse. Alam kong gusto nilang sila na ang gagawa dahil baka bigla ako mamali sa ginagawa. Alam ko delikado itong ginagawa ko ngunit hindi pwedeng panoorin ko nalang kapatid ko.
"Scalpel."
Utos ko sa kanila. Binigay naman nila yun sakin.
"Forceps, Retractors, Scissors."
Sunod-sunod na sabi ko hanggang sa mas lalo ko hindi mapigilan umiyak habang kinukuha ko ang bala ng baril sa katawan niya. Ang daming dugo na nawala sa kaniya kaya natataranta ako habang nakikita yun sa kaniya.
"Dra. Ako na gagawa."
Narinig kong tugon ni Dr. Jordan sa likod ko. Magsasalita pa sana ako ng bigla niyang inagaw ang mga instrumento na hawak ko.
Napatingin ako sa kapatid ko habang wala itong malay. Hinayaan kong si Dr. Jordan ang gumamot sa kaniya dahil sa panginginig ng aking kamay.
Napatingin naman ako kay Rashid na wala parin siya malay habang ginagamot siya ni Dr. Zile.
Mga maya-maya ay biglang gumalaw ang daliri ni ate dahilan para lapitan ko siya.
"Ate ..."
Dahan-dahan niyang minulat ang kaniyang mata at tinignan ako. Nakangiti ito habang nakatingin sakin. Mas lalo ako naluha ng makita ko siyang nakangiti na naman.
"Ate ..."
Parang may gusto siyang ibulong sakin kaya mas lalo ako lumapit sa kaniya at nilapit ang tainga ko.
"T-take ... c—care ... c-c—care ..."
Napailing iling ako hanggang sa biglang tumunog ang computer. Nag straight ang line nito dahilan para mapatingin ulit ako sa kaniya.
No .....
SARAH’S POV
ILANG ORAS na kami naghihintay dito sa ER dahil sa kritikal na kalagayan ni Rashid. Puno ng pag aalala kaming lahat dahil sa nangyare sa kaniya.
Hindi ko maiwasan sisihin sarili ko. Ako dapat yung mabaril at hindi siya. Hindi ko mapigilan napahikbi sa nangyare lalo na ngayon wala na rin si Damian. Nasa kulungan narin si Lisondra habang si Sienna naman ay nasa loob narin, sila ni Rashid. Nandoon narin si Dra. Rivonz sa loob para gamutin sila dalawa at may mga kasama narin siyang Doctor.
Si Tito Fernan naman ay ginagamot narin siya ng Doctor dahil sa pagkawala ng kaniyang malay. Sana maging maayos siya agad.
Si Fileo naman ay okay naman daw siya batay sa sinabi niya. Pero alam ko hindi pa maganda pakeramdam niya lalo na ngayon si Rashid ang iniisip niya. Katabi niya rin si Meissie na kinakabahan sa mangyayare.
Si Renz naman ay kulang nalang sa kaniya ay uupo na siya sa sahig habang nakatayo naman si Kia sa tabi niya, katabi niya rin ang kaibigan niyang si Sena Zyen.
Ang mga Rivonz naman ay nasa pagitan ko lang sila habang nakatitig sakin si Avara ngunit wala ako sa mood para pumansin ng tao. Ang higit pa sa lahat, Rivonz sila. Katabi niya rin ang mga magulang niya lalo na si Chairman Rivonz.
YOU ARE READING
Trifecta Hearts 2 : Whispered Desires (COMPLETED)
RomantikTrifecta Hearts Series 2: Whispered Desires Sarah is a dedicated employee at Renz's company. She is hardworking and admired for her skills.