03

42 10 21
                                    

SIGURO isang oras na ako sa loob habang umiiyak. Tinignan ko muna ang mukha ko sa salamin ngunit medyo mapula pa ang mukha ko. Kaya naglagay ako ng powder at kaunting lipstick sa lips ko. Inayos ko narin ang sarili ko at bumuntong hininga.

"Okay kalang, Sarah. Okay kalang."

Ngumiti pa ako sa harapan ng salamin at lumabas. Pagkalabas ko ay dahan-dahan ako pumasok sa VIP room habang nakangiti.

Nakita kong nasa dance floor sila Renz at Kia habang sumasayaw ngunit mabilis ko rin iniwas ang tingin ko ng magtama ang mata namin dalawa.

Kumuha ako ng juice sa table at bumalik sa pwesto ko kanina sa inupuan ko dahil si Rashid lang ang nandoon kasama si Sena.

Ngunit.

BOOOOGGSSH!!

"S-sorry! Sorry!"

Mabilis ako kumuha ng tissue sa bag ko at pinunasan ang damit niya. Bakit ba hindi ako nag iingat?!

Ayan tuloy!

Natapon ko ang juice na hawak ko sa lalakeng nakasalubong ko! Polo na puti pa naman ang suot niya kaya hindi matanggal ang orange juice sa damit niya.

Hindi ko narin marinig ang kumakanta sa stage at parang hangin lang ang naririnig ko sa sobrang tahimik!

Napaangat ang tingin ko at nagulat ako kung sino ang kaharap ko.

"I-ikaw ..."

Walang emosyon ang kaniyang mga mata at sobrang lamig itong nakatingin sakin. Tinaasan niya ako ng isang kilay at kumuha siya ng panyo sa bulsa niya habang nakatingin ito sakin.

"Sarah, are you okay?"

Napatingin ako kay Rashid ng lumapit ito sakin. Tinanguhan ko lang siya at bumaling ulit sa lalakeng ito. Sya itong kumuha ng paint na ibibigay ko sa mag kambal kaso inagaw niya sakin. Tsk!

"Sarah!"

Narinig kong boses ni Meissie na papalapit samin. Tumingin siya muna sa lalake at tumingin ulit siya sakin.

"Ayos kalang?"

Tumango ako "Ayos lang ako."

Tumingin siya sa lalake "How about you? You okay?"

Magkakilala sila? Seriously?

Bumuntong hininga ito "I'm fine."

"I'm sorry, dude." sabi ni Felio ng makalapit siya samin at ngumiti ito "Kaibigan siya ni Meissie. Pasensya nasa nagawa niya, she's didn't mean it."

"Nangyare na."

Sungit ha.

"I need to changed."

Nilampasan niya ako at sinundan naman siya ni Fileo. Napatingin ako sa mga kasama naman na nakatingin sila sakin at babalik naman ang tingin nila sa lalakeng yun.

Ang mga lalake na kumakanta sa stages ay parang tinatanong pa nila ito kung ayos lang siya ngunit nilalampasan niya lang na para bang wala siyang narinig.

Kilala rin nila ang lalakeng yun?

"Are you sure? You okay?" Nag aalalang tanong ni Rashid sakin.

Tumango ako "Ayos lang talaga ako."

"Masama ba pakeramdam mo?" tanong naman ni Meissie sakin "Namumutla ka."

Napahawak ako sa mukha ko at umiling "H-hindi. Ayos lang talaga ako."

Bakit ako namumutla? Dahil ba sa lalakeng yun?! Ako mamumutla dahil lang sa lalakeng yun?!

"Don't mind him, Sarah. Kaibigan yun nila Felio." aniya "He's Kevin, masungit talaga yung lalake na yun kaya kung ano man ang sinabi niya sayo, don't mind him."

Trifecta Hearts 2 : Whispered Desires (COMPLETED)Where stories live. Discover now