2ND’S POINT OF VIEW
“Did you find her?” tanong nito sa kaniyang matalik na assistant.
Umiling ito sa kaniya "Hindi pa po. Pinapahanap narin po namin siya ng mga kasama ko po. Wag po kayo mag alala, mahahanap ko po siya agad—"
"PAULIT ULIT MO NALANG YAN SINASABI! HANGGANG NGAYON HINDI NYO PARIN SIYA NAHAHANAP! GINAGAMIT MO BA ANG UTAK MO?!"
Mabilis na napayuko ang assistant niya habang sinisigawan ito. Walang magawa ito kundi makinig nalang sa mga sermon sa kaniya dahil palagi naman ito nagagalit sa tuwing hindi siya nagtatagumpay sa misyon nito.
"Honey, calm down. Mahahanap natin si Averia, okay? Magtiwala nalang tayo sa kaniya."
"How can I calm down?! Ilang taon natin hinahanap si Averia pero hanggang ngayon hindi parin siya nahahanap!"
Pagtatalo ng mag asawa. Napatingin ang ginang sa assistant nila at lumapit ito.
"Umalis kana. Gawin ninyo ang trabaho ninyo."
Tumango ito at nag bow. Umalis na ito sa harapan nila kaya napaupo ang asawa nito sa sofa at bumuntong hininga. Lumapit ang ginang sa kaniya para pakalmahin ito.
"Alam natin buhay si Averia. Hindi pwedeng magtagumpay sila Sanya at Mando mahanap si Averia! Kailangan natin sila unahan!"
"Yes, honey. Mahahanap natin si Averia."
This is not enough to revenge.
SARAH’S POV.
Parang puputok ata ang ulo ko sa sobrang sakit. Kahit bumangon ako nahihirapan ako. Nilalamig narin ako kahit hindi naman naka on ang electric fan ko.
Bakit sobrang init ko?
Hindi pwedeng malate ako pero alam kong late na talaga ako. Pinilit kong bumangon kahit hindi kona kaya. Kinuha ko phone ko para tignan ang oras.
Tangina. It's already 11AM.
Inabutan talaga ako ng tanghali dito. Akala ko 6AM pa. Sabihin ko nalang kay Renz na-traffic ako. Pero hindi naman tanga yun para magsinungaling ako.
"Aahhh!!"
Napahawak ako sa ulo ko dahil nahihilo ako. Humiga ulit ako at kulang nalang iiyak na ako sa sobrang taas ng lagnat ko.
Hindi kona pala namalayan nakatulog na pala ako. Nagising nalang ako na madilim nasa labas kaya nakaramdam ako ng gutom. Bumangon ako pero ramdam na ramdam ko ang pagkahilo ko pero kailangan ko kumain. Kaninang umaga pa ako hindi kumakain tapos ngayon hindi na naman ako kakain kung hindi ako gagalaw.
Kahit nakaupo na ako, parang gusto ko nalang humiga ulit pero nahihilo talaga ako. Kahit ang paa ko ramdam ko parin pananakit nito. Mas lalo sumasakit at sumasakit.
Kinuha ko phone ko at nagulat ako na nakatatlong missed calls si Meissie. Hindi lang si Meissie ang nag missed calls kundi pati narin sila Kira at Wendi. Kaya mas pinili kong si Meissie nalang tawagan ko. At ilang segundo bago niya nasagot.
"Kanina pa kita tinatawagan. Busy kaba sa work mo?"
"O-oo." I lied.
"Alam kong may problema sa Enchanlier. Pero wag mo parin pababayaan sarili mo ha? Alam kong kaya nyo yan."
Napangiti ako at napasandal agad ako dahil kahit uupo ako at matutumba ako.
"Sandali, nasa America kami nila Felio pati ng mga anak namin. Hindi na ako nakapag paalam sayo agad dahil biglaan ang lakad namin."
YOU ARE READING
Trifecta Hearts 2 : Whispered Desires (COMPLETED)
RomanceTrifecta Hearts Series 2: Whispered Desires Sarah is a dedicated employee at Renz's company. She is hardworking and admired for her skills.