HINDI ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Ang dami kong naririnig ngayon. Ang dami kong naririnig na hindi ko kayang pakinggan pa. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.
Ikakasal si Kevin sa isang Rivonz.
At.
Hindi ako totoong Fellipe.
Namalayan ko nalang nasa dalampasigan ako at sobrang lakas ng ulan. Gabing gabi na at wala akong balak pang umuwi. Kung gaano kalakas umuulan, ganon narin kalakas bumubuhos ang mga luha ko.
Ayokong umiyak. Ayokong masaktan.
Kevin ...
Bakit kailangan mo gawin sakin ito? Dahil ba hindi kita pinakilala agad kela Tita kaya tinalikuran muna ako? Sinabi ko lang naman huwag ka muna lumapit sakin dahil hindi pa ako handa kela Tita. Pero bakit naman ikakasal kana sa iba? Bakit sa Rivonz pa? Kaaway ng Enchanlier ang mga Rivonz eh. Bakit isa pa sa kanila? Magiging kaaway narin ba kita kapag nasa Rivonz kana?
Ang dami kong hindi nalalaman sayo.
Buong akala ko hindi ka mayaman pero ikaw pala owner ng Whispers Club? At isang pinaka sikat na Melior sa America?
Mahina ako natawa.
Ang dami ko talaga hindi nalalaman. Hindi kita kinilala ng husto. Hindi ako nagtanong sayo kaya kasalanan ko rin.
At isa pa, isa akong ampon at hinding totoong Fellipe.
Natawa ako ng malakas.
"Bakit?! Bakit sa lahat ng pagsubok na ibigay sakin, bakit ito pa?! Ang sakit sakit na eh! Sobrang sakit!"
Ma, Pa, bakit? Bakit ayaw nyong aminin sakin na ampon ako? Na hindi nyo pala ako totoong anak? Alam kong iniwan nyo na ako sa mundong to pero bakit kailangan itago nyo sakin lahat?
Alam kong ayaw nyong saktan ako pero ano ito ngayon? Mas lalo ako nasasaktan sa mga nalalaman ko!
"Ahhhhhhhhhh!!!"
Napasabunot ako sa sarili ko. Hindi kona alam ang gagawin ko, hindi kona alam.
Napangiti ako ng may sumampal sakin na hangin. Napaka sarap na hangin.
Tumayo ako. Pumikit narin ako para maramdaman ang hangin.
Hindi kona alam gagawin ko. Ang sakit sakit na ng mga nalalaman ko. Hindi ko mapigilan humikbi sa iyak.
Parang may tumatawag sakin ngunit hindi ko magawang imulat ang mga mata ko. Hindi ko maintindihan kung kaninong boses yun hanggang sa ...
May humila sakin dahilan para mapamulat ko ang aking mga mata.
"Gusto mo ba magpakamatay?!"
It's him ...
Hindi ko napigilan mapahagulgol hanggang sa niyakap niya ako.
"Hindi mo kailangan magpakamatay, Sarah! Bakit mo sinasayang ang buhay mo sa mundong to?! Ganyan ba gusto mo?!"
"Rashid ... gusto kona mag pahinga."
Hinarap niya ako "Kung gusto mo magpahinga. Huwag sa ganitong bagay, sinabi kona sayo una pa lang. Kung may problema ka, lapitan mo ako. Palagi akong nasa tabi mo at dadamayan kita palagi!"
Bakit hindi nalang ikaw yung minahal ko? Bakit sa dalawang tao pa? Bakit sa maling tao pa ako nagmahal?
Unting unti dumilim ang paningin ko hanggang sa mawalan ako ng malay.
RASHID’S POV.
DINALA ko siya sa ospital nang mawalan siya ng malay. Hinihintay ko lang doctor niyang lumabas at hindi ko maiwasan mag alala.
YOU ARE READING
Trifecta Hearts 2 : Whispered Desires (COMPLETED)
RomanceTrifecta Hearts Series 2: Whispered Desires Sarah is a dedicated employee at Renz's company. She is hardworking and admired for her skills.