26

28 9 19
                                    

SARAH'S POV.

DALAWANG ARAW nang nakalipas. Hanggang ngayon nandito parin ako sa ospital at hindi makababa. Ayaw pa ni Dra. Rivonz na ibaba ako dahil sa kalagayan ko ngayon. Ang ulo ko at ang dinadala ko sa kinasapupunan ko.

Hindi mawala sa isip ko si Kevin. Kamusta na kaya siya? Masaya na ba siya ngayon kay Sienna? Masaya ba sila dalawa?

Hindi ko naman alam na ngayon ko lang ma realize na mahal na mahal ko pala siya. Hindi ganito ang pagmamahal na pinapakita ko kay Renz. Ngayon alam kona kung sino ang mahal ko sa dalawa. Si Kevin pala yung mahal ko at hindi si Renz. Si Renz ay pangarap ko, hindi ko siya mahal.

Mahina ako natawa.

Pinahid ko narin ang mga luha ko dahil sa tuwing pumapasok sa isip ko si Kevin, naiiyak nalang ako bigla. Nasasaktan parin ako at alam kong masaya na si Kevin ngayon.

Kaya naman pala hindi siya nagpaparamdam sakin kase may iba na pala. May nahanap na pala siyang iba habang wala ako.

Biglang bumukas ang pinto kaya mabilis ko pinahid ang luha ko. Pumasok si Tita at nilapitan niya ako.

"Nagugutom kaba?"

Umiling ako. Umupo siya sa harapan ko at hinawakan niya ang dalawang kamay ko.

"Patawarin mo ako anak."

Hindi ko magawang ngumiti pero Tita ko parin siya, siya parin ang nagpalaki sakin ng maayos.

"Nangyare na Tita eh. Okay lang po."

Naluha narin siya kaya pinahid ko yun.

"Wag nyo po sisihin sarili ninyo sa nangyare. Alam ko naman para sa ikakabuti ko pero hindi ko naman alam na mas lalo lang pala ako masasaktan sa mga narinig ko. Sana pala hindi ko nalang narinig ang lahat."

Nayakap niya ako "I'm sorry, anak."

Tumango ako at bumuhos narin ang mga luha ko. Niyakap ko siya ng mahigpit. Inasikaso niya rin ang kinakain ko kaya kumain kami dalawa.

Kinahapunan ay nagpaalam narin siya sakin na May bibilhin lang siya sa labas. Papunta narin daw si Rashid para siya na naman daw ang magbantay sakin. Pumayag naman ako.

Umalis ako sa kama ko at pumunta sa bintana para tignan ang nasa labas. Nasa mataas na floor talaga ako eh. Kitang kita ko ang mga matataas na building at ang kagandahan ng Laguna.

Naramdaman ko ang pagbukas ng pinto dahilan para mapalingon ako. It was male nurse. May inilapag lang siya sa lamesa ko ngunit kakaiba ang mga tingin ko sa kaniya. Parang sobrang iba ang kutob ko at hindi ko maiwasan kabahan.

"Pinapunta kaba ni Dra. Rivonz dito?"

Hindi siya nagsalita. Mas lalo ako kinakabahan. Hindi ko alam kung ano ang mga nilagay niya sa lamesa ko hanggang sa mapansin kong may kutsilyo siyang nilabas.

Nanlaki ang mata ko.

Nakatingin siya sa tiyan ko dahilan para hawakan ko ang tiyan ko.

Hindi ko magawang humingi ng tulong dahil sa takot. Nanghihina narin ang mag tuhod ko sa sobrang takot at kaba. Parang naninigas ang dila ko para hindi ako makasalita.

Umiling-iling lang ako hanggang sa nasa harapan kona siya para saksakin ako. Napapikit nalang ako habang hawak ko ang tiyan ko.

"Ahh!!"

Nakarinig ako ng familiar na boses na sumigaw. Namulat ko ang mga mata ko at nagulat ako na makita kong si Dra. Rivonz na sinasambunutan yung lalake.

"Guard!" Sigaw nito.

Trifecta Hearts 2 : Whispered Desires (COMPLETED)Where stories live. Discover now