32

35 9 68
                                    

SARAH’S POV.

“TITO FERNAN! Please! Nakikiusap ako, tama na!"

Paulit ulit nilang binubugbog at sinasaktan si Tito Fernan sa harapan ko. Walang magagawa ang iyak mo kung papanuorin ko lang si Tito.

Mas lalo ako napasigaw ng barilin ni Damian ang tuhod niya.  Napasigaw sa sakit si Tito.

"Titoooo Fernan!"

"Hahahahahahahaha!"

Malakas na tawa ni Damian at tinignan ako. Tinutok niya sakin ang baril.

"Saan mo gustong unang barilin ko, Averia Rivonz?"

Natigilan ako. Hindi ko alam kung nababaliw ba ang matandang to. Anong Averia? Rivonz? Ano??

Tumawa pa siya ng malakas.

"Hindi mo alam kung sino ka ba talaga?!"

Naguguluhan ako.

"Sasabihin ko sayo ngayon tutal mawawala karin naman ngayon, diba?! Hahahahahaha!"

Seryoso niya akong tinignan.

"Ikaw. Ang unang apo ni Chairman Rivonz! Ang tunay na tagapagmana ng RVZ!"

Nanlaki ang mata ko sa gulat. Napailing iling ako.

"H-hindi ..."

"Hindi mo matanggap?! Kase kaaway ng Enchanlier ang RVZ?! Hahahahahaha! Mabuti naman! Dahil kahit kailan hindi ka karapat-dapat na maging tagapagmana ng buong RVZ! DAHIL AKO LANG DAPAT! AKO LANG ANG PIPILIIN NI CHAIRMAN RIVONZ NA MAGMANA SA BUONG RVZ!!"

" ..." hindi ko alam bakit walang lumalabas na salita sa bibig ko.

"DAPAT HINDI KA NALANG PINANGANAK AT LUMABAS SA MUNDO! ALAM MO KUNG BAKIT AYAW NAMIN SAYO?! ALAM MO BA KUNG PAANO KA NAHIWALAY SA RIVONZ?!!"

"P-paano ..."

"Dahil bagong silang ka pa lang! Ikaw na ang pinili ni Chairman Rivonz na maging tagapagmana ng RVZ! Kahit ako naman talaga dapat ang nababagay sa posisyon na yan!!"

Napailing iling ako "H-hindi ako isang Rivonz! Hindi!"

Impossible. Kailan pa ako naging Rivonz?! Alam kong ampon ako nila Mama at Papa pero hindi dapat ako kadugo ng mga Rivonz! Hindi. Masasamang tao ang mga Rivonz! Hindi pwedeng mapunta ako sa kanila! Hindi ako totoong Rivonz!!!

"Inilayo ka samin ni Mom! Pinalayas ka niya sa Mansion! Tinaboy ka niya dahil alam niyang papatayin kita! Kaya ..."

Ngumisi siya.

"Siya nalang ang pinatay ko!"

Nagulat ako.

"N-nababaliw kana! Sarili mong ina pinatay mo! Napaka sama ninyo!"

Tumawa siya "Isa kang Rivonz at ngayon nalaman muna ang tungkol sayo. Papatayin na kita ngayon."

Kinasa niya ang baril at tinutok sakin. Mas lalo kumalabog ang kaba sa dibdib ko kaya dahan-dahan ako pumikit.

Napatalon ako sa gulat ng makarinig ako ng putok na baril. Naramdaman kong walang masakit sa katawan ko kaya minulat ko mata ko. Napaangat ang aking tingin.

Nagulat ako na makita kong nakikipag laban si Kevin kay Damian habang si Fileo naman ay sa mga tauhan nila Damian at Lisondra.

Mabilis na kumuha ng baril si Lisondra at tinutok sakin.

"Tigil! Kung ayaw ninyong barilin ko siya!"

Napapikit ako sa sobrang sakit ng ulo ng baril dahil sa pagkatutok nito sa katawan ko. Naramdaman ko naman pagkatigil ng laban nila kaya napatingin sakin si Kevin. Hanggang sa nanlaki ang mata ko ng may biglang pumalo sa likod niya.

Trifecta Hearts 2 : Whispered Desires (COMPLETED)Where stories live. Discover now