SA LOOB NG DALAWANG ARAW puro nalang trabaho ang inaatupag namin. Pinoproblema nga nila kung paano hindi magtagumpay ang mga Rivonz pabagsakin ang Enchanlier.
Pakeramdam ko talaga dahil sa pera ito eh. Mayaman sila Renz, mayaman ang Enchanlier pero bakit kailangan nila pabagsakin ang Enchanlier kung mas mataas naman ang posisyon nila sa buong mundo?
Sila ang nangunguna and RVZ Hotel is the top highest hotel sa buong mundo. Nakakalito na, May pumapasok talaga kutob kona pera at kayamanan ng masa Enchanlier ang kukunin nila or talagang ayaw nilang mapunta sa pinaka una ang Enchanlier sa listahan.
Katulad ng sinabi ni Felio maaga akong pinapauwi dahil delikado talaga sa Village namin. Talagang delikado naman talaga dahil maraming nag dra-drvgs doon. Hindi nga lang alam ng mga pulis na ganon talaga nangyayare sa lugar namin eh.
Napa buntong hininga nalang ako.
"Guys! Attention!"
Napatingin kami lahat kay Rara.
"We need to be hardwork dahil ayaw natin bumagsak ang Hotel natin, okay?! Ibig sabihin kailangan natin ibigay ang best natin dito! Babangon at babangon parin tayo!"
"Yes! Yes!"
Sabi ng karamihan hanggang sa napatango nalang ako. Bumalik na naman kami sa trabaho namin. Yung iba tinatawagan at busy naman sila sinasagot yun.
Sa susunod na araw na mag set ng meeting sa RVZ at Enchanlier. Hindi ko alam kung anong mangyayare pagkatapos nito.
Ang ipinagdadasal ko nalang sana, matapos na lahat ng ito at hindi kami babagsak. Dahil kung hindi mawawalan kami ng costumer at aalis ang mga taong nagtratrabaho dito.
Mabilis na tumakbo ang oras hanggang sa pinauwi na ako. Masyadong maaga kahit ayoko pa naman umuuwi dahil mas pipiliin ko parin trabaho ko.
Busy masyado silang lahat lalo na si Renz. Alam kong pagod siya ngayon sa nakaraan araw pero mas iniisip niya parin ngayon ang nangyayare sa sitwasyon ng Enchanlier.
Bumili muna ako ng pizza at naglakad papunta sa bahay ko. Habang naglalakad ako may dalawang lalake ako nakasalubong. Kinabahan ako ngunit binaliwala ko.
Yumuko nalang ako habang naglalakad hanggang sa may humawak sa pizza na hawak ko. Napaangat ang tingin ko at nanlaki ang mata ko ng makita ko siya. Para akong nakahinga ng maluwag ng makita ko siya.
Kevin ...
Napatingin ako sa dalawang lalake na mabilis silang umiwas sa daan namin. Ngunit ang mga mata nila ay nasa kabuuan ng katawan ko kaya kinakabahan ako lalo.
Mga adik talaga mga tao dito eh!
"S-salamat."
Inabot niya sakin ang pizza kaya kinuha ko naman agad. Napatingin ulit ako sa kaniya. Tatalikuran na sana niya ako ng pinigilan ko siya.
"K-kevin, pumasok ka muna. Kain ka muna ng pizza ..."
Ano? Kakain siya ng pizza ko? No way! This is my own pizza!
"For what? Baka may lason pa yan."
Napaatas ang kilay ko "B-bilang pasasalamat lang naman. Atsaka, wala naman lason itong binili ko."
Napalingon siya sakin at tumingin sa pizza na hawak ko.
"Wag ka mag alala. Walang lason ito! Samahan mo nalang ako ubusin itong pizza."
Siguro nasa 30 seconds kami nagtitigan hanggang sa ako na ang bumitaw. Natigilan nalang ako na nilampasan niya ako para pumasok siya sa loob kaya sumunod nalang rin ako.
YOU ARE READING
Trifecta Hearts 2 : Whispered Desires (COMPLETED)
RomanceTrifecta Hearts Series 2: Whispered Desires Sarah is a dedicated employee at Renz's company. She is hardworking and admired for her skills.