NAGISING nalang ako na masakit ang ulo ko. Parang sasabog ang ulo ko sa sobrang sakit yung tipong tumitibok na yung ugat sa ulo ko.
"Ang sakit!"
Naimulat ko ang aking mga mata. Napatingin ako sa paligid ko dahil hindi ko alam paano ako napunta sa apartment ko.
Nasa Whispers Club lang naman ako pero anong ginagawa ko dito? At bakit kailangan uminom pa ako ng alak? Hindi naman ako umiinom ng alak eh. Pero syempre, masarap yung alak. Masakit lang talaga sa lalamunan kapag first time mo pa lang.
Bumangon nalang ako at pumunta sa banyo. Argh! Ang sakit ng ulo ko!!!
Kevin...
Muntik na ako matapilok ng biglang pumasok sa isip ko ang pangalan ni Kevin.
Parang may nag flashback sakin. At kung ano-ano pumasok sa isip ko. Ngunit nanlaki ang mata ko ng bigla ko naalala ang nangyare kagabi.
"Kebin..."
"Thatid na kita."
"Stop! Isang kiss pa!"
"Stop it, Ms. Fellipe."
"Kebiiin! Pleaseee!"
"Shut the fuck up, Ms. Fellipe!!"
"AAAAAAAHH!!"
Napasabunot ako. Para akong inagawan ng ice candy sa pagdadabog ko.
"Bakit ang tanga ko?! Anong kiss?! Kiss? ANO??!!! KISSSSS?!! AAAAHHH!!!"
Gusto ko nalang umiyak nalang ng umiyak rito kaso ayaw naman tumulo ng mga luha ko. Mabilis ako tumayo at humarap sa salamin. Tinignan ko kabuuan ko, maayos pa naman ako.
Pero tangina?! Nahalikan kami ni Kevin kagabi?! What the hell are you doing, Sarah?!!!?!!
Paano ka haharap nito kay Kevin kapag nagkita kayo?! Ano nalang mukha ang ihaharap ko sakaniya?!
"AAAAHHH!!!"
He's kissed me first and I kissed him back naman talaga. Pero sa pagkaalala ko, bakit ang adik ko sa mga labi niya?! Bakit parang nagustuhan ko ginawa namin?!
"Sarah, wake up! You're not! Hindi mo nagustuhan! Tama! Tama! Hindi talaga! Tama! Yes! Tama! Inhale! Exhale!"
Pinakalma ko sarili ko at tumingin narin sa salamin pagkatapos. Ngumiti ako ng kaunti.
"Ayos na ako. Sana hindi kona siya makita habang buhay. Ameen."
Para akong tanga na binabaliwala nalang ang nangyare. Pinipilit kong tanggalin sa isipan ko ang halikan namin pero nadidistract parin ako.
Ginawa ko ang lahat dapat na ayusin sa sarili ko hanggang sa makarating ako sa Enchanlier. Bumuntong hininga muna ako at pinilit hindi isipin ang nangyare.
Pero kahit anong gawin ko, naiisip ko parin. Kusang pumapasok nalang sa utak ko ang nangyare.
"Kanina kapa tahimik? May problema kaba?"
Napatingin ako kay Wendi ng magtanong siya. Magkatabi na sila ni Kira.
"Alam kona. Gusto mo bumaliks a Whispers Club no?" kinindatan pa ako ni Kira "Sabi naman namin sayo. Masarap talaga yung alak dun!"
"A-ayoko na bumalik."
Baka makita ko pa siya dun. Hindi kona alam paano ako haharap sa kaniya.
"Bakit? Maganda naman talaga dun tapos ang masarap pa, right?!"
YOU ARE READING
Trifecta Hearts 2 : Whispered Desires (COMPLETED)
RomansTrifecta Hearts Series 2: Whispered Desires Sarah is a dedicated employee at Renz's company. She is hardworking and admired for her skills.