15

28 6 30
                                    

KEVIN’S POV

“WHO is the fvcking to do this to her?!"

Mahinahon na tanong ko kay Owen. Siya ang unang nakakita kay Sarah sa pagkabunggo sa kanya. Mabilis niya rin dinala sa ospital si Sarah at duguan itong nakarating sa ospital.

"Wag ka mag alala. Pinapa check ko narin sa mga pulis ang plate number ng kotse bumunggo sa kanila."

"Damn it."

Napatingin ako sa ER kung saan nasa loob si Sarah. Hindi parin lumalabas ang doctor nito kaya kanina pa kami naghihintay.

"Ang driver niya, how's it?"

"Ginagamot na siya ng mga nurse. Hihintayin ko nalang paggising niya."

Mas malala ang nangyare kay Sarah sa nangyare. Ang driver niya ay daplis lang sa mga mukha at may nabali sa kaniyang mga buto. Habang si Sarah naman ay hanggang ulo dumudugo sa kaniya.

Napapikit ako.

Hindi ko alam kung bakit unang pumasok sa isip ko ang pangalan ni Fernan. It was really him? Or ... The RVZ.



OWEN’S POV

Ito ang pangalawang beses nakita kong ganito ka emosyon si Kevin. Unang beses ay ang nangyare kay Tito Kailus sa pagkamatay nito. At ngayon ay dahil kay Sarah.

Kung hindi ako sumilip kanina para makita kung sino nasa loob. Baka hindi na umabot pa sa ospital si Sarah.

Pagkarating ko sa room ng driver ni Sarah dahil gising na daw ito sabi ng nurse ay pinuntahan ko. Nakahiga ito sa kama habang nakatingala sa kisame.

"Hi, kamusta na po kayo?"

Nginitian ko ito at lumapit. Nilapag ko narin ang mga prutas na binili ko para sa kaniya. Umupo ako sa chair na nasa tabi niya at tinignan ito.

"A-ayos lang ako. Kamusta na yung babae? Gising na ba siya?"

Umiling ako "Hindi parin lumalabas doctor niya."

Napapikit ito "Kasalanan ko ito bakit hindi ako nag iingat nag drive."

"Wag nyo po sisihin sarili ninyo, Sir. Wala po kayong kasalanan at wag po kayo mag alala, sasabihan ko po kayo agad kapag gising na siya."

"Balitaan mo agad ako ha?"

Tumango ako "Opo, Sir."

Napatango tango ito. Umayos narin ako ng pag upo at tinignan ulit siya.

"Sir, ano pong nangyare?"

"May sinusundan kaming lalake. Yun ang sabi niya habulin namin siya tapos may napansin akong may sumusunod narin samin kaya nawala sa paningin namin yung sinusundan namin." Tinignan niya ako "Sobrang bilis ng kotse niya kaya binilisan ko narin dahil iba narin kutob ko."

"Nakita nyo po ba kung anong itsura ng kotse o di kaya yung plate number nun?"

Umiling ito "Hindi. Sa sobrang takot ko hindi ko napansin. At natatakot narin yung babae kaya binilisan ko pagpapatakbo. Kasalanan ko ang nangyare kung bakit dumating kami sa ganitong punto. W-wala akong pambayad sa bill namin at mas lalong a-ayokong mawala ang babaeng pasero ko dahil alam kong makukulong ako."

"Katulad po ng sinabi ko, wala po kayong kasalanan. Wag narin po kayo mag alala sa gagastusin dito sa ospital, sagot na po ng boyfriend ng babaeng kasama nyo po."

Bumangon ito kaya inalayan ko siya.

"M-maraming salamat po, maraming salamat!"

Tumango po ako "Walang anuman po. Humiga na po kayo, Sir. Nasaan po pamilya ninyo?"

Trifecta Hearts 2 : Whispered Desires (COMPLETED)Where stories live. Discover now