CHAPTER 1: Follower

1.7K 37 27
                                    

Chapter 1 : Follower

♫ ♫ ♫

Mga tambay lang kami sawa sa babae, mga babaeng manloloko pine-perahan lang kami

Kaya ngayon, bakla nalang ang aming iibigin, masarap magmahal ang bakla ohh kay sarap damhin.

Pang-ilang beses na ba niyang pinapatugtug yang kantang yan sa harapan ko? Nakakailan na ba siyang paulit-ulit na pine-play yang kantang yan sa harapan ko? Tang-ina lang ah? Ano bang problema niya?

Lumapit ako sa kuya ko at hinablot ko ang phone niya. Nakita ko sa mga mata niya ang pagkagulat sa ginawa kong iyon. Saka ko ito hinagis nang buong lakas sa isang gilid ng at nagka-wasak-wasak ito. Kumunot ang noo niya sa ginawa ko. Alam kong naiinis na siya sa akin ng mga oras na iyon. At alam kong bubungangaan na naman niya ako nang minutong iyon. Pero di ganoon ang nangyari. Umalis siya sa harapan ko at kinuha ang phone niya. "Kuya!" singhal ko pa sa kanya, tumingin lang siya sa akin nang parang walang nangyari. Yung kakaibang tingin? Yung tingin na parang wala lang sa kanya. Saka ngumiti pa siya sa akin. Yung ngiting nakakainis. Bakit? Bakit imbis na maawa ako kasi sinira ko yung phone niya, e nakuha parin niyang mainis ako? Tae! Ang galing talaga niyang asarin ang isang tulad ko.

MrSmileWp started following you.

Nanlaki ang mga mata ko noong makita ko ito. Hindi ko inaasahan na sa tagal ko sa wattpad ay may isang taong magtatangkang mag-kainterest sa mga pino-post ko rito. Matagal-tagal na rin akong tumatambay sa wattpad. Kailan nga ba ako nagsimula? 2011? Oo yung uso pa yung Weebo chat. Yung kakaunti palang ang mga nagsusulat doon, at karamihan pa sa kanila ay hindi gaanong cliché ang kwentong ginagawa. Yung mga dating Wattpad Writers pa noong na sina, Alyloony, Haveyouseenthisgirl, Lara Mellisa, KuyaSoju, Shirlengtearjerkey, sgwannabe, greenwriter. Na nakaka-chat at nakakausap ko pa sila noon. Ngayon kasi masyado nang nagiging overrated e. Masyadong cliché siguro ay tumabang na ang panlasa ko when it comes to lovestories. Siguro nga tama ang sinasabi ng kuya ko, na bitter kasi ako.

Two weeks ago. My boyfriend has decided to end up our relationship. Kung bakit? Dahil sa isang bading. Ewan ko ba kung anong mayroon sa bading na iyon at siya itong pinili ng boyfriend ko. Tang-ina? Anong makukuha niya sa bading na iyon? I'm not saying that... basta! I don't hate gays, I have lots of gay friends pero yun isang iyon. Di man lang kagandahan, sobrang arte pa tapos... tapos... basta ayaw kong manlait. Mas maganda pa si Pooh kaysa sa kanya. Like what the fuck! Yun na nga nakita ko kasi silang dalawa, nang dalawang mata ko. Noong una di ako naniniwala sa mga sabi-sabi na may kasintahan raw na bading itong si Ryan, pero huli na ako sa balita. Mukhang ako nalang talaga ang di nakakaalam na ang boyfriend ko ay isang bading rin. Masaklap nito ay sobra akong nahulog sa kanya, I mean sobra-sobra yung pagmamahal na ibinigay ko sa kanya. Kaya ganito nalang ako kung asarin ng kuya ko at ganito nalang niya laging pinapa-ulit-ulit na patug-tugin ang kanyang iyon sa harapan ko dahil sa ipinagpalit raw ako ng isang lalaki sa isang kapwa rin nito lalaki. Like bullshit!

Well I have followers din naman. Hmmm masasabi ko na kahit lilima lang sila ay tini-treasure ko sila and I treat them as bestfriend in the wattpad world. Pero first time atang may isang lalaki ang mag-follow sa akin.

MrSmileWp added your story All about S on hisreading list, Favorites.

Inadd na kaagad niya sa reading list niya ang isa sa mga story? Hindi ko masasabing story ito e, kasi random lang talaga ito. Dito ko kasi pinopost ang lahat ng mga nangyayari sa akin. This is just like my online diary sa lahat ng mga nangyayari sa akin. Maganda man o hindi. Masaya man o malungkot. Lahat-lahat! Everything spice and under the sun.

Mister SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon