CHAPTER 6: FIELD TRIP

235 12 5
                                        

Chapter 6: Field Trip

Ang ba-bagal!

Ang ba-bagal nilang gumalaw. Lumapit ako doon sa mga estudyante na nakatayo parin sa gilid. Sila itong nagpapatagal sa pag-alis ng bus e.

"Ano? Kakaladkarin ko ba kayo papasok sa loob ng bus o kayo na mismo ang papasok sa loob ng bus?" taas kilay ko pang tanong doon sa dalawang babaeng nagtatawanan pa sa may bench sa labas ng school. Tinarayan lang nila ako, pero sumunod na rin naman sila.

"Bakit ba ang init ng ulo mo?" tanong sa akin ni Lera. Inirapan ko lang siya at saka umakyat na rin ako sa loob ng bus. Nakapwesto ako sa harapan. Kumunot ang noo ko nang makita ko nakatabi ko si Cent. Tumingin ako sa mga kasama kong student council. Anong ginagawa niya pwesto ko? Nakahood ito at tinatakpan pa ang mukha niya at mukhang tulog na ata. Ngumiti ako nang nakakaloko. Kinuha ko ang mega-phone at saka tinapat ito sa tenga niya.

"Hoyyyyyyyyyyyyy!" malakas ko pang sigaw sa kanya. Sobrang lakas ng tawanan sa loob ng bus ng minutong iyon. Dahil halos mapatalon siya sa sobrang gulat at binigyan lang ako nang masamang tingin nito.

"Baka kasi hindi ka na-inform na di ka nakaupo diyan?" mataray na tanong ko sa kanya.

"Oo, di nga ako na-inform." Sagot pa nito. Aba? Ang kapal talaga ng mukha niya.

"So hindi ka aalis?" tanong ko sa kanya, ay mali ang tanong ko. Or should I say na di ko na dapat siya tinatanong, pinapaalis ko na dapat siya without asking his permission dahil wala rin namang kwenta yun e. lumapit ako sa kanya at hinila ko ang damit niya.

"Aalis ka ba o aalis ka?" mata sa mata, ngipin sa ngipin. Nakipagtitigan lang siya sa akin at saka nito hinawakan ang kamay ko at marahas na tinanggal sa pagkakahawak ko sa kwelyo ng suot niyang polo shirt.

"Hindi!" giit pa niya. Na siyang kinataas ng alteprasyon ko ng oras na iyon. Pinaalis ko ang babae na katabi niya.

"Alis!" utos ko rito at di naman siya nag-atubiling umalis sa tabi ni Cent. At umupo ako rito.

"Umusog ka!" utos ko sa kanya. Ngunit di siya nakikinig, dahil malamang sa malamang ay nilakasan niya ang volume ng headset na suot niya. Kaya ibinaba ko ang headset niya't sinigawan siya ng malakas.

"Umusog kaaaaaaaaaaa!" saka siya umusog. Gagawin din pala e. three seater ang upuan. Supposedly tatlo dapat ang nakaupo, dahil sa imbyerna na ako di ko na pinaupo ang isa may free seat pa naman sa dulo doon ko na siya pinaupo. Para naman masolo ko itong demonyong ito. Umandar ang bus at pa-puntang baguio. Mahaba-haba ang biyahe namin nito. Kaya kailangan na gumawa ng pagkakaabalahan. Pero kung kasama mo ang isang katulad nito? Mukhang mabubuwisit ka lang lalo. Tatlong oras na ang nakakalipas, tulog parin siya. Tapos ako? Tapos ako? Hindi ako makatulog. Kasi... kasi.... Nabubuwisit ako! Ewan ko, pero kapag katabi ko siya feeling ko e inis na inis ako. Pakiramdam ko ay nag-iinit ang katawan ko. Hindi dahil sa libog o kung ano man. Nag-iinit ang buo kong katawan at gustong gusto ko na siyang patayin ngayon. Grrrr! Pero hindi ko magawa.

Nang ika-apat na oras ay nagising na siya. Nag-unat ng katawan at tinamaan pa ang mukha ko. Hinawi ko ang kamay niya nang marahas, at napatingin sa akin. Peke akong ngumiti sa harapan niya. Pang-asar na ngiti ba, ganun. Saka bumaba kami para mag-tanghalian sa isang restaurant. Malapit-lapit na rin daw kaming makarating sa destinasyon namin. Bumaba ang lahat ng mga estudyante. At kailangan namin i-check kung lahat nga ba ay bumaba, at kailangang mag-head count ng lahat ng mga bumaba at mga hindi bumaba. Pero may isang tao o should I say demonyo ang hindi bumaba.

"Oh? Bakit hindi siya bumaba? Paran siya lang ata ang matitira sa loob ah?" pag-aalalang tono ng boses ni Mirae.

"Gusto mo samahan mo siya," sarkastikong sabat ko sa kanya.

Mister SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon