CHAPTER 21: JAYSON

175 7 7
                                    

Chapter 21: Jayson

Napatalikod ako kaagad kong pinunsan ang mga tumulong luha sa mga mata ko. At huminga nang malalim.

"Pare magkakilala kayo ng bestfriend ko?" God! Hanggang ngayon yun parin ang alam niya sa relasyon naming dalawa? Bestfriend? Oo nga naman. Bestfriend lang talaga kami. Saka na ako humarap sa kanya.

"Oh? Best bakit parang umiyak ka ata?" nag-aalala pang tono ng boses niya at saka siya lumapit sa akin at niyakap ako nito ng kay higpit. God! Ang tagal kong inasam na muli siyang mayakap at ngayon narito na ulit siya, siya na mismo ang gumawa ng paraan na dati ko pa muling pinapangarap.

"Kumusta ka na?" saka siya kumalas sa pagyakap sa akin at tinignan ako nito sa mga mata. Hindi kaagad ako nakasagot.

"I know, nagulat ka. Hindi mo inaasahan na babalik ako no? Tsk ang dami nang nagbago ah? Siguro may boyfriend ka na?" nakatingin lang ako kay Cent ng minutong iyon, na nakatitig lang din sa akin. Umiling-iling ako bilang sagot ko sa kanya.

"Wala pa? tsk. Sa ganda mong iyan? Wala pa? ako ba niloloko mo?" saka niya ginulo-gulo ang buhok ko.

"Jayson stop it." Suway ko pa sa kanya.

"I'm sorry," biglang nagbago ang itsura niya. Lumayo siya sa akin at muli siyang bumalik kay Cent.

"Nga pala, marahil e magkakilala na kayong dalawa? Cent at Dawn?" muli kong ibinaling ang tingin ko sa lalaking hindi ko alam kung anong nararamdaman nito sa akin. Langya kasi, di siya expressive na tao e. hindi naman ako si Madame auring na kayang hulaan ang nararamdaman niya. At ayaw ko namang mag-assume, kahit na unti-unti na akong nagkakaroon ng ideyang ganun. Kasi baka masaktan na naman ako sa huli.

"Nagugutom na ako, ilibot niyo naman ako dito sa school niyo." Sabi pa sa akin ni Jayson. Habang naglalakad kami papunta sa may cafeteria. Ay nagkwento si Jayson kung paano sila nagkakilala ni Cent.

Hindi naman raw talaga sila nag-ibang bansa. Sa totoo nga lang e nasa davao lang raw sila. At doon niya nakilala si Cent, naging magkaklase sila noong elementarya pa sila. Grade five kasi noong umalis ito sa amin, at almost four years narin simula noong hindi kami nagkita. Malungkot na malungkot ako noon.

"Bakit ang tahimik mo Dawn?" tanong niya sa akin.

"Ah? Eh? Wala... kumusta ka naman?" tanong ko sa kanya.

"Okay lang. Masaya ako kasi dalaw sa pinaka-malapit sa puso ko e kasama ko na ngayon, hindi ba?" sabay akbay nito sa aming dal'wa ni Cent.

Tahimik kaming nagsalo sa iisang table kaming tatlo nila, Jayson, Cent at ako. Treat ni Jayson lahat ng mga pagkain, kaso wala akong ganang kumain ng oras na iyon. Hanggang sa muli nang tumunog ang bell, hudyat na kailangan na naming bumalik sa klase namin. Sinabi ni Jayson dito na rin daw siya mag-aaral, sinabi ko na isang taon nalang? Sayang naman. Kaso desidido na raw siya at nakausap na niya ang dean at nakapag-exam na rin raw siya, kanina so kailangan nalang ng result at malakas ang loob niya na makakapasok siya sa paaralan namin. Matalino rin kasi itong si Jayson. At alam kong kayang-kaya niya rin yun.

"Sige bye," paalam pa nito sa aming dal'wa. Kaming dalawa nalang ang naiwan sa table, una akong tumayo at bitbit ang gamit ko, nang bigla akong hawakan sa braso ni Cent.

"Saglit lang!" wika pa nito sa akin. Napahinto ako sa paglalakad naka tingin sa kamay niya sa braso ko.

"Tungkol sa tanong mo kanina..."

"Cent. Wag muna nating pag-usapan yun. Kalimutan mo nalang iyon." Giit ko pa sa kanya saka ko hinila ang braso ko sa kanya at di na muli siyang nilingon.

Kinagabihan. Ewan ko kung bakit nakatitig ako sa bintana ng kwarto ni Cent. Wari'y may inanatay ako na hindi ko alam. Hanggang sa nakita ko ang anino niya. Sinarado ko ang kurtina ko, ngunit sumilip ako sa gilid nito. Hanggang sa tumunog ang cellphone ko. Kaagad kong sinagot ito without knowing kung sino ang tumatawag.

"Nakikita kita, nakatingin ka sa akin." Ang hayup na iyon. Ang kapal talaga ng face.

"Ang kapal ng mukha mo!" doon ko na binuksan ng malaki yung kurtina sabay sigaw ko pa sa kanya sa kabilang linya.

"Tsk." Sagot niya lang sa akin.

"Bakit di ka pa natutulog?" tanong nito sa akin.

"At kailan ka pa nagkaroon ng karapatang magtanong sa akin kung kailan at anong oras ko gustong matulog?"

"Tsk. Ang dami mong sinatsat. Tinatanong lang kita kung bakit di ka pa natutulog, bye." Saka niya binaba ang tawag nito sa akin. What? Ang kapal talaga ng mukha niya? Dapat nga ako itong may karapatang magbaba ng tawag sa kanya, Grrr. Nakakainis. Tinawagan ko muli siya at mabuti nalang sinagot niya kaagad.

"Oh? Tumawag ka? Anong kailangan mo?"

"Bakit ba ang kapal ng mukha mo?" bungad ko pa sa kanya.

"Hindi makapal ang mukha ko. Sadyang manipis lang yang balat mo," sagot nito sa akin. Ano raw? Manipis ang balat ko? Grrrr.

"Siguro crush mo ako no?"

"Tsk."

"Silence means yes. Fuck! Crush mo ako?"

"Sumagot ako hindi ba?"

"Wala akong narinig,"

"It's not my problem anymore." Saka binabaan na naman niya ako ng tawag. Fuck! Pangalawang beses na ito ah?

Tatawagan ko sana siya kaso bigla nalang nagring muli ang phone ko at siya naman itong tumawag sa akin.

"Anong maipaglilingkod ko sa inyo mahal na hari?" malumanay na tanong ko sa kanya.

"Dawn, gusto ko lang itanong kay sa'yo may nararamdaman ka ba kay Jayson?" napahinto ako ng minutong iyon. Di ko mawari na sa kanya mismo manggagaling ang tanong na iyon. Ano ba talagang problema ng isang ito? Bakit lately ganito ang mga bagay na tinatanong niya sa akin. Bakit ba hindi nalang tungkol sa school? O mga assignment? Bakit kailangan niyang tirahin ang puso ko't at ang utak ko at the same time?

"Tsk. Bakit mo naman naitanong mahal na hari?"

"Umayos ka nga Dawn, seryoso ako."

"Pwes seryoso din ako." Sigaw ko sa kanya.

"Hindi kita maintindihan e, bakit mo ba tinatanong ang mga bagay na iyan? Tapos ganyan ka pa kumilos lately. Tapos... para kang tanga. Which is usual na sa iyo. Nagugugluhan na ako e, sobrang naguguluhan na ako Cent."

"Because I like you." Saka niya binaba ang tawag niya sa akin. Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko, alam ko ang narinig ko at alam ng puso ko kung ano ang nabasa ko. Gusto ako ni Cent. Gusto ako ng isang taong kinaiinisan ko. Gusto ako ng tanong unang nagpahiya sa akin sa school. Gusto ako ng isang taong nagpanggap at ginamit ako para lang maging kilala siya school. Gusto ako ni Cent. Bakit ganito nalang kung mag-reak ang puso ko?

Siguro nasagot ko na ang mga tanong ko ngayon. Pero ang isa pang tanong, paano ba ako mag-rereak sa sinabi niyang iyon?

Muli ko siyang tinawagan, ngunit unattended na ang number niya. Saka pinatay na niya ang ilaw ng kwarto niya. Inuntog-untog ko nalang ang ulo ko sa unan. Kasi nalilito na ako.

Gusto kita, gustong gusto kita Dawn.

­ito yung huling sinabi ni Jayson bago siya umalis. Bago niya ako iniwan.

Because I like you.

Ito naman yung sinabi ng mokong na iyon. Gosh! I'm torn between the two, sino nga ba talaga ang nararapat? At sino nga ba talaga ang dapat?

e6X>g{

Mister SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon