CHAPTER 12: FAKE BOYFRIEND

182 8 4
                                    

Chapter 12: Fake boyfriend

           

Hanggang ngayon ay hindi ko parin alam kung paano ako napapayag nang hayup na iyon para maging boyfriend siya? Like what the fuck! Ano bang trip niya? At parang sinasabi pa niya hindi naman raw siya ang magbe-benefits ng lahat ng mga mangyayari sa aming dalawa. It will also help me to recover from my heartbreak relationship with Argh! Ryan!

Binuksan ko ang wattpad ko at napansin ko na walang nag-comment. Tsk! E wala naman talagang ibang nag-co-comment sa post ko, kundi yung weirdong si MrSmileWp lang naman e. Pero infairness nakakamiss ang mga walang kwentang kumento niya sa akin. Kaya nagpost nalang ulit ako ng ka-shitan na nangyari sa akin ngayon araw.

#Entry 40

Deal! Isa ito sa salitang pinagsisisihan kong lumabas sa bibig ko a side from that three fucking word.  I-LOVE-YOU sa isa... hindi lang pala isa kundi tatlong tao na wala namang ginawa kundi saktan ang puso ko. Minsan I just want to ask my self ano bang mali sa akin? At walang tumatagal na lalaki sa akin? Alam kong maldita ako, pero diba may kasabihan naman tayo kung talagang mahal ka ng taong mahal mo e tatanggapin ka niya kung sino at ano man ang mayroon ka? Pero anyare? Bakit nila ako iniwan? At bakit... bakit... leche! Bakit ako nag-da-drama ngayon?

 

Nakipag-ka-sundo ako kay satanas. May kras siguro sa akin yung hayup na iyon, kaya ginawa niya ang bagay na ito. Tsk! Kung di lang dahil sa pang-ba-blackmail niya sa akin. Hindi ako papatol sa kalokohan niyang ito. Ang mag-panggap. Magpanggap na boyfriend ng hari nang yabang na iyon.

 

Nga pala, sinabi niya sa akin na ito na raw ang unang araw na mag-on kami. Yuck lang! on? Wow ah? Ang lakas maka-jejemon. Hanggang dito nalang, nasusuka na ako e. Ano kayang balak na gawin ng mokong na iyon bukas? Ihanda mo an ang sarili mo, dapat pala sumali na rin ako sa drama club para kahit papaano ay nagkaroon ako ng ideya kung paano umarte bilang isang pekeng gelpren sa isang demonyong katulad niya.

 

Nagmamaganda kasi maganda,

Mahal na reyna (QD!)

 

Posted!

"What is this?" matining na tono ng boses ko habang pasigaw kong tinanong sa kanya kung para saan ang mga gamit na ito na iniabot niya sa akin.

"That is bracelet, that is t-shirt and that one... i think a pair of rubber shoes." Sarkastikong wika pa nito na halatang nang-aasar. Muli kong ibinalik sa kanya ang mga ibinigay niya sa akin.

"Hindi ako tanga Cent! Alam ko na mga gamit ang mga ito, at higit sa lahat alam ko ang mga tawag sa mga ito, what I want to ask is kung para saan ito." Inis kong tugon sa kanya. Pinagmumukha niya akong tanga? Anong tingin niya sa akin, ingrata? Bobo? Nakakahiya sa kanya.

"Alam mo naman pala e, hindi ko ibinigay ito sa 'yo dahil para umasta ka nang ganyan. Mas mag-mumukhang makakatotohanan na magkasintahan tayo kung gagawin natin ito," muli akong napatingin sa mga gamit na iyon. Pair of Bracelet, same with couple shirt, then with the pair of shoes na kaparehong-kapareho din ng kanya.

Mister SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon