Chapter 28: School Festival
Lahat ay nakahanda na, this is the last day of school festival for this year 2015. Annual na nagaganap ito sa aming paaralan, at sa tingin ko ito na ang pinakamalaki at pinaka-maganda sa lahat. They come up with new set ups of booths, at pinayagan kami na gumawa ng kung ano-anong mga booths for this years event. At may mini concert din sa hapon. Wala kaming pasok, whole week kaming nasa school to gather this event, at mas lalo na ako, sobrang busy ko nitong mga nakaraang araw kasama ng mga student council at ibang mga volunteers. Siyempre kasama na doon ang mga kaibigan ko at si Cent din. Kaso nasaan na nga pala si Cent?
Lumapit ako kay Lera na busy na nakapila para sa wedding booth at gano'n din si Sharla. Dal'wa lang naman silang nakapila doon kasama ang mga daan-daang babae na ngangarap na maikasal sa lalaking ito, para pakasalan ang crush nilang si Kuya Evan. Oo sinama ko ang ibang mga tropa dito, dahil sa sikat naman sila, ano pang silbi nang pagiging magkakaibigan ng mga kapatid naming kung di ko sila magagamit haha.
Nilinga-linga ko ang ulo ko ngunit di ko parin makita si Cent. Hinila ni Louie ang kamay ko, di ko maintindihan kung bakit, pero sumunod nalang ako, baka kasi importante, pero bakit wala parin si Cent? Kinuha ko ang phone ko sa loob ng bulsa ko, ngunit wala parin siyang reply sa akin. Tsk. Sinasabi niyang importante ako sa kanya, pero simpleng reply lang di niya magawa? Baka naman kasi busy. Busy? Saan naman siya busy aber? Napabuntong hininga nalang ako noong makarating kami sa gymnasium. Nagtaka ako, bakit ako dinala dito ni Louie. Ang daming tao.
"Anong mayroon?" tanong ko sa kanya. Sabi niya may sasayaw raw mamaya, bigla nalang daw sila sasayaw. So parang may magaganap na mashup dance? Well maganda nga yun, di pa ako nakakakita nang gano'n sa tanang buhay ko. Tanging sa youtube lang ako nakakakita nang gano'n umupo kami sa isang bleacher medyo malapit sa itaas.
Nang tumunog na ang kanta ni Carly Rae Jepsen, na I really like you. Isa ito sa mga favorite ko sa kanya, kasi ang ganda ng lyrics, ang ganda pakinggan, at ang sarap sayawin. Unang lumabas ang isang... what? Isang teacher? At kung di ako nagkakamali teacher namin ito sa science. Hahaha ang cute sumayaw ni mam, pero infairness magaling siya ah? Siguro noong kabataan nito ay sumasayaw talaga sia. Pero kasi ang weird e. naglulundagan na kasi yun mga fats niya. Hahaha baka ibagsak pa ako nito. Tawanan ang namutawi sa loob ng gymnasium.
Sumunod naman lumabas at sumayaw ang ilang mga first year student, sumunod si Manong guard, yung tagalinis ng banyo namin. Hanggang sa lahat na nang mga estudyante sa loob ng gymnasium ay sumasayaw na doon, lumapit sina Lera, Sharla na mukhang tapos nang magpakasal kay kuya Evan o baka di na sila nakahabol, at gano' din si Miraelyn,Milarca, si Jayson din. Lahat sila ay nasa tabi ko. Pero ang pinagtataka ko, bakit parang ako 'yung tinuturo nila na "really like you?".
Huminto saglit ang kanta, at bumaba na silang lahat. Nagtaka ako bakit ayaw nila akong isama, tae! Bakit di ko naisip na isang malaking trip lang ito? Pinagtitripan ba nila ako? Pero grabe naman ang trip na ito? Siguro malaki ang binayad nila dahil sa pati ang mga ka-schoolmate ko pa ay dinamay nila. Grabe, pinagpapawisan na ako. Ang cute sumayaw ni Milarca, para talaga siyang baby. Ang cute niya. Si Miraelyn, feeling ko magiging magaling na dancer siya, dati pa niya gustong sumayaw talagang mahiyain lang siya pagdating rito. Si Louie haha ang tigas ng katawan haha. Si jayson, he's always as awesome as he is. Pero tae? Nasaan na ba si Mahal na hari?
Huminto muli ang kanta. At nagpalakpakan sila, napalingon ako sa gilid ko noong mayroon akong narinig na boses na bigla nalang nagsalita. "I like you, do you like me too?" yung boses na iyon. Dug dug. Dug dug. Ang bilis na namang nang tibok ng puso ko. Hays bakit di ko mapigilan? Tinatanong niya kung gusto ko siya? Ito na ba 'yung oras para sabihin ko o sagutin 'yung tanong niyang iyon? Siguro nga. Ito na nga 'yun.
BINABASA MO ANG
Mister Smile
Historia CortaIsang Frustrated Girl-Writer, isang makulit na Kapatid na lalaki, isang mayabang at maangas na kapit-bahay, at isang Weird na commentator sa wattpad. Magkakaroon ba ng happy ending ang isang bidang kontrabidang si Queen Dawn? kung lahat ng mga lalak...