CHAPTER 26: CONFESSION

202 11 1
                                    

Chapter 26: Confession

Kahit na masama ang pakiramdam ko e pinilit ko paring pumasok kinabukasan. Di ko na sinabi kay kuya na masama ang pakiramdam ko kasi alam kong di talaga ako no'n papapasukin. O kaya tatawag 'yun sa school para sabihan sila na di nga ako makakapasok. Paglabas ko ng pintuan ay 'yun din ang paglabas ni Cent. Nagtama ang aming mga mata, ngunit kaagad naman niya itong binawi at naglakad na una sa akin. Napabuntong hininga ako ng minutong iyon. Alam kong masakit parin ang nararamdaman niya ngayon, dahil sa pambabasted na ginawa ko sa kanya. Bakit ba parang nagui-guilty ako sa mga nangyari? Bakit ba parang gusto ko nang bawiin yung sinabi ko, at tanggapin nalang siya sa buhay ko? Kaso nga lang... tae! Bakit ba kasi laging what if's? hays. Sumunod na rin ako sa paglalakad sa kanya, ngunit pagtingin ko ay bigla nalang siyang nawala, iniiwasan nga niya talaga ako.

Pagdating ko sa room ay nagtaka ako, bakit wala pa siya? Bakit wala siya? Lumapit ako kay Lera at tinanong ko kung narito na si Cent, ngunit sabi niya wala pa raw ito. Ang sumunod na pumasok ay si Jayson, di parin ako nito pinapansin. Nahihiya ako sa kanya, sa ginawa ko last time. Hindi ko lang winasak ang pag-asa niya na magiging kami, winasak ko pa yung posibilidad na maging magkaibigan kami. At ito siya ngayon, alam kong galit parin siya sa akin, sa ginawa ko sa kanya. Hays.

Lunch break, di parin pumasok si Cent. Saan na naman kaya pumunta ang mokong na ito? Napatingin ako sa phone ko na kalagaya sa may table, napansin ito ni Lera. "Ano? Tawagan mo na, baka ano nang nangyari doon," pati siya ay nag-aalala na kay Cent. Kinuha ko ang phone ko, pero inilagay ko lang ito sa loob ng bag ko. Bakit ko siya tatawagan? Baka ano pang isipin niya. Oo nag-aalala ako, pero hays. Di ko alam kung ano nga ba talaga ang dapat na gawin ko sa mga oras na ito. Lumapit si Mirae sa amin, na siyang pinagtakhan ko. Tinaasan ko kaagad siya ng kilay noong makarating siya sa kinauupuan ko.

"Pwede ba tayong mag-usap?" she is staring at me like theres no tomorrow. Yes she's seriously staring at me. Inirapan ko lang siya, pero nagulata ko sa sunod niyang ginawa. Hinila niya ang braso ko at pilit akong pinaharap sa kanya.

"Hey bitch! We need to talk!" mukha talagang seryoso siya, doon ko na tinanggal ang kamay niya sa paghawak niya sa braso ko.

"Keep your hands off of me. Ano ba yang importante mong sasabihin ah?" iritableng tanong ko sa kanya. Pero di siya nagsalita, bagkus bigla nalang siyang umiyak sa harapan ko. Anong problema niya? Ni wala pa nga akong ginagawa sa kanya, I just ask her kung anong problema, then narito siya ngayon sa harapan ko't umiiyak. Tsk! Pero ang pinagtakhan ko ay di naman ganito si Miraelyn. Kahit na ilang beses ko na siyang inasar, pinahiya, sinigawan. Hindi niya kailan man ginawa ang umiyak sa harapan ko, o sa maraming tao. Kilala ko kasi siya, alam kong matatag siya, pero ano bang dahilan?

Hinila ko siya at dinala ko sa lugar na kung saan walang gaanong tao. At doon ay binitawan ko siya.

"Go ahead, magsalita ka ano bang problema at may paiyak-iyak ka pang nalalaman. Ang drama mo talaga kahit kailan." The next thing she did was makes me shock. Halos lumuw ang mga mata ko sa ginawa niya. I didn't expect her to do that to me, kahit na lagi kaming nag-aaway. Kahit na lagi ko siyang sinisigawan. Kahit na lagi ko siyang tinatarayan. Di pa niya ako nasasaktan, di pa niya ako sinasampal. Hanggang ngayon. Napangiwi ako sa sobrang lakas ng pagkasampal niya sa akin. Wala na siyang ibang ginawa pagkatapos no'n kundi tumulo ang luha sa kanyang mga mata.

"Tapos ka na? baka pwede na akong magsalita," I said. As I greeted my teeth.

"So what's your problem?" tanong kong muli sa kanya. 'wag niya lang ako uling sasampalin, makakatikim na talaga siya sa akin. Di siya nagsalita, pero may kung anong bagay siyang kinuha sa loob ng bulsa niya. And it was her phone. May kinalikot lang siya at mayamaya ipinakita niya sa akin ito. Kumunot ang noo ko noong una ko itong Makita. Kaagad kong inisip kung sino ba ang taong ipinapakita niya sa akin.

Mister SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon